'Any two things, when parallel to each other, will never meet.'
"Tss! I disagree. Paano kung may isang bagay na kayang lagpasan ang mga boundaries ng mga principles at laws ng mundo? Paano lang naman diba? Pero what if kung totoo nga?"
Sinara ko na lang 'tong libro na binabasa ko. Parallel? naaapply ba yan sa buhay ng tao? I mean, may dalawang tao ba na parallel sa isa't isa? Napakaimposible naman ata nun!
Madami akong tanong sa buhay. Araw-araw nadadagdagan.
Isa na rin yung kung bakit naiinlove ang isang tao?
Malaya ba ang isang tao?
Who am I? at madami pang iba.
Ako si Leone Castillo, anak ng dalawang negosyante. Naiisip ko nga minsan kung dapat pa akong tawaging anak dahil sadyang hindi ko dama ang pagmamahal ng aking mga magulang. Mas mahal pa ata nila ang negosyo nila kaysa sa akin. Siguro inampon lang nila ako para may magmana sa kayamanan nila. Sana ampon na lang ako para may chance pa na makahanap ako ng mapagmahal na magulang kaso, ang problema, hindi...
Iisipin mo, sobrang common ng problema ko sa buhay. O cliche na masyado ang kwento ko. Pero sa mga bagay na magkakaparehas may makikita karing pagkakaiba sa likod nito. Siguro tulad narin ng buhay ko.
Huling taon ko na ito sa pag-aaral at kaunting panahon na lang makakapagtapos na ako. Ngayong taon, bagong transfer na naman ako sa unibersidad na ito. Palipat-lipat ako ng pinapasukang paaralan dahil sa tuwing magbubusiness trip ang mga magulang ko, kailangan kong sumama kaya madalas kong maabandona ang pinag-aaralan ko. Siguro yun narin ang dahilan kung bat di ako nakikihalubilo.
Ngayong taon, maaring ito na ang permanente kong paaralan dahil hindi na ako sasama sa kanila sa kahit anong business trip. Gusto ko ng magfocus sa pag-aaral ko.
It's my first day today. Maganda ang panahon ngayon, maliwanag pero mahangin. Dahil bagong lipat lang ako at nakapagsimula na ang semester, pina-upo ako ng prof ko sa likod. Pinili ko yung pinakamalapit sa bintana para hindi naman ako mabagot sa klase at para makapag-sketch ako ng maayos. Dahil sa transferee ako, nasa akin nakatuon ang atensyon ng buong klase at sa totoo lang, naiilang ako dito. Para maitago ang pagkahiya, tumingin na lang ako sa labas hanggang sa matapos ang klase.
Lunchbreak at maraming nais makipagkilala sa akin. Nakikipagkamay lang ako, ngingiti, sabay balik sa pagtanaw sa bintana. One time may nakipagkamay sa akin, babae, mukhang matalino at mabait pero may hindi ako nagustuhan sa kanya, bakit? Malalaman mo...
"Hello! Ako nga pala si Kim Bonifacio" Napakamasiyahin niya, at naiinis ako doon. Naiinggit ako.
"Leone Castillo" Inabot ko yung lang yung kamay ko tapos ngiti.
"wow! Ang galing mo naman magdrawing!" tsss. Tumango na lang ako.
"Alam mo ba na pangarap kong magkaroon ng ganyang talento?" -___- Wala naman akong tinatanong eh.
"Miss..." Gusto ko na talaga siyang tumigil. Ayaw kong magkaroon ng kahit anong relationship. Problema lang dadalhin nun sakin. Kung yung relationship ko nga sa mga magulang ko hindi ko maayos, paano pa kaya sa iba pang tao? Tsaka ayoko sa madaldal.
"Kapag natuto akong gumuhit, idadrawing ko yung pamilya ko..."
Ayaw niya talagang tumigil........Teka, nabanggit niya ba yung salitang pamilya? I wonder kung parehas kami ng pamilya. Pero bakit niya idadrawing kung hindi masaya? Baka talagang iniinggit ako ng tadhana. Problema to...
"Miss " Gusto ko na siyang tumigil, naririndi na ako.
"Tapos idadrawing ko si Papa! Tiyak masisiyahan siya kapag nakita niya sarili niya! Okay na siya kahit makita niya lang sarili niya na nasa picture frame. Simple niya noh?"
Iniinis ba ako nito? Naiinis ako kapag nababanggit niya yung salitang "pamilya", "magulang", "nanay", "tatay". Di ko na mapigilan talaga, bahala na!
"Oo na! Okay na miss! Gusto mo ng ganito, gusto mo ng ganyan. Ayoko ng marinig ang patungkol sa buhay mo! wala akong pakealam sa buhay mo!"
Sobrang nagagalit ako kapag naririnig ko talaga yung salitang "PAMILYA". Unang araw ko sira na, paano pa kaya yung iba pa?
"Pasensya na" Humingi siya ng tawad. Ngayon ko lang narealize na nataasan ko siya ng boses. Nakatingin sakin lahat ng mga kaklase ko. Badtrip! nadala na naman kasi ako ng galit.
"Hindi, ako dapat humingi ng tawad, mabilis talaga akong magalit atsaka mayroon talagang mga bagay na ayaw kong pag-usapan, pasensya na"
Tumingin ako sa kanya, the sincerest look that I can give pero umalis na siya.
Nakita ko nalang siya na kinakausap ang kaibigan niya. Tungkol ata sakin... Malas! Parang gusto ko na ulit magbusiness trip sila Daddy.
--End Of Chapter--
