August 11, 2014

34 5 1
                                    

Dear Diary,

Na-announce na kanina kung sino ang pasok kanina sa Finals ng Interpretative Dance. And OMG Dearest Diary, first placee kami! Woohoo!

Guess who kung sino ang kalaban namin? Walang iba kundi ang section nila Janssen. Ang hirap 'no? Sarili mong boyfriend, kalaban mo? Ang saklap.

Kung may good news, hindi mawawala ang bad news.

Yung magaling, cool, gwapo, cute, etc. (Nasa kanya na kasi ang lahat eh) na adviser namin, nagpost sa group account ng section namin.

And guess what?

Resigned na raw siya.

Pero alam naming nagbibiro lang si Sir. Sa madaling sabi, hindi kami naniwala nung una. Unang-una, sino na ang magiging adviser namin? Pangalawa, paano na kami sa Finals ng Interpretative Dance? Third, sino na ang magiging biology teacher ng buong 3rd Year? Kaya sa tingin namin, malabong mangyari yun.

Pero absent siya kanina.

At napag-alaman namin na seryoso siya. Hindi rin naman maiiwasang umiyak ako. Kasi isa naman ako sa estudyante niya na medyo malapit sa kanya.

Sana Dearest Diary, nag-bibiro lang siya. Na trip niya lang kami. Hindi dapat siya mawala sa amin.

-Aaliyah

Never said YES to Mr. RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon