June 27, 2014

33 4 0
                                    

Dear Diary,

Ughh. Day 10 palang ng klase, tambak agad ng assignments?! Tapos ayaw ng printed. Gusto nila hand-written?! Ganon ba ka-choosy ang mga tao ngayon?

Kaso wala pa ako sa kalagitnaan ng assignment ko, biglang tumawag si Janssen. Nagdalawang isip pa talaga ako kung sasagutin ko ba o hindi eh. Pero I accedentally pressed the accept button. Kaya no choice.

Tumawag lang siya para ipagmalaki na naka unli siya sa calls for 7 days.

Guess what. Hindi ko namalayang 45 minutes na pala kami nag-uusap. At pagtingin ko sa relo, 9:45pm na at wala pa akong natatapos kahit isa sa mga assignments ko. Tapos maaga pa ang lakad namin bukas ni Aira.

Kaya nagpaalam na ako sa kanya. Kaso pagbaba ko ng phone, nag flood naman siya. Napaka istorbo. Sa loob ng 5 minutes, nakaka 55 messages siya.

Sumasakit na ulo ko!



Aaliyah

Never said YES to Mr. RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon