August 16, 2014

20 4 0
                                    

Dear Diary,

I see your face in my mind as I drive away,
'cause none of thought it was gonna end that way

What's wrong with me? Bakit? Kahapon lang, ang saya-saya naming dalawa na nagde-date sa Starbucks at nagke-kwentuhan. Pero bakit ganito? Bakit?

Bakit kami nagbreak ni Janssen?

Ang bilis masyado ng pangyayari. Pero bakit? What wrong with me? Ako ba o siya ang may problema? Hindi ko matanggap ang lahat ng pangyayari sa aming dalawa.

Wala kasi akong signal kasi andito kami ngayon sa Tagaytay. Hindi ko alam na marami na pala siyang text. Sabi ko kasi sa kanya kahapon na magte-text kami ngayong araw. Hanggang sa nagtampo na siya lahat-lahat wala parin akong reply.

To cut the long story short, pinalaki nanaman ng pride ko. At dumating na sa puntong minura na niya ako. At alam mo naman na 'yun ang pinaka ayaw ko sa lahat diba? Kaya mas lalo akong nagalit.

At isa pang kinaiinisan ko sa sinabi niya:

Mas okay pang kausap Ayesha kesa sayo. Pero pare-parehas lang kayo! >:-|

Ang kapal ng mukha niya para pagsabihan niya ako ng ganun! Wala siyang karapatang ikumpara kahit kanino. Lalong-lalo na sa bwisit niyang ex! Kung hindi parin siya nakaka-move on sa Ex niya, then go. Bibigyan ko siya ng pagkakataon na mag move-on. Pero wag niya akong maidamay-damay sa bwisit niyang Ex! Mga peste!

At anong ginawa ko? Finorward ko sa kanya lahat ng mga 'I Love You' at yung mga banat lines niya. Gusto ko siyang kwestyunin kung totoo ba talaga lahat ng mga iyon.

Ang sagot niya? Hindi.

So ano ako? Rebound? Nanggigigil ako. Gusto kong ingudngod yung mukha niya para malaman kung gaano kasakit lahat ng pinagsasasabi niya.

Masakit. Sobrang sakit. Emotionally at Physically. Physically kasi kanina ko pa inuuntog yung sarili ko sa lamesa.

Gusto ko na ngang magpakamatay sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Kaso ayokong magpakamatay dahil sa mga katulad niya peste. Dapat siya ang pinapatay eh.

Sana nakinig ako kina Aira, Micah at Peneloppe. Sana hindi ako nagbingi-bingihan sa mga payo nila. Sana hindi ko sila sinuway.

Punung-puno ng salita 'sana' ang utak ko. Puro pagsisisi ang nasa utak ko.

Pero ang tanga ko! Bakit hindi parin siya umaalis sa utak ko? Ngayon lang ako nabaliw ng ganito dahil sa isang karumal-dumal na pangyayari. Para bang tuluyan na akong mawawala sa katinuan.

Hindi ko magawang kumalma dearest diary. Anong gagawin ko? Mahal ko siya? Pero bakit ganito?

What am I going to do?

I really want to die...

Ayoko nang maranasan 'tong sakit na nadrrama ko ngayon...

-Aaliyah

Never said YES to Mr. RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon