June 17, 2014

66 4 0
                                    

Dear Diary,

Welcome back to reality.



Second day na second day, may quiz agad?! At math subject pa ah? Medyo lutang pa naman ako ngayong araw. Kaya 2/10 lang ang nakuha ko. Isn't it amazing? Ughh.

Ngayon ko lang napansin na classmate ko parin pala si Joshua—ang ex-crush ko. Akala ko ex-crush ko na siya, hindi pa pala. Buong summer vaccation, hindi ko siya nakikita. Pero siya parin si crushie ko? The fudge lang?!

Gusto kong kausapin si Josh kanina. Wala lang. Gusto ko lang siyang kamustahin. Kaso baka maging awkward lang. And ayoko rin gumawa ng first move eh. As if naman na siya ang gagawa ng first move para sakin diba?

Pero nung breaktime, bigla nalang siyang tumabi sa kinauupuan ko. Nagkatitigan kami ng ilang segundo. Ang awkward naming dalawa. I missed him so much.

Siya kasi ang first crush or love man yun. Sa kanya ko natutunan kung paano lumande (choss!).

Hinintay ko lang siya na magsalita. At nagsalita nga siya.


"Hi Panget," sabi niya. Namiss ko yung pagtawag niya sakin nun. Yun ang tawag niya sa akin simula nung Grade 7 pa kami. "Akala ko ba sa Tagaytay ka na mag-aaral?"

"Bakit? Ayaw mo bang nandito ako?" sabi ko at ngumisi kaming dalawa.

"Hindi ko alam. Itatanong ko muna sa pagong," sabi niya at tumawa siya ng malakas.

"Hindi ka parin nagbabago no?" sabi ko.

"Syempre hindi. Infairness, nag-improve yung mukha mo." sabi niya. OMG. Is that a complement?

"Weh? Gumanda ako?" sabi ko.

"Hindi. Pero nagkaroon ka pa ng constellation sa noo mo." sabi niya. Okay. Nang-aasar siya. Pero pasalamat siya crush ko siya. Kung hindi, baka kanina ko pa siya nasapak sa mukha.

Infainess, namiss ko talaga siya. Akala ko nakalimutan ko na siya. Hindi pa pala.

Never said YES to Mr. RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon