Dear Diary,
Unfortunately, nagfail ang confrontation naming dalawa. At bakit? Hindi ko rin alam.
Tinanong din ni Aira kung anong napag-usapan naming dalawa. Pero pinili ko na ilihim nalang ang lahat. Pati na rin yung war na magaganap sana ngayon, pinili ko na rin na hindi sabahin.
Tumambay muna kami sa harap ng classroom ng bestfriend kong si Chantelle. At saan ang classroom nila? Halos katabi lang ng classroom nila Janssen. Ewan ko ba kung bakit bigla nalang akong inaya dun ni Aira.
Buti nalang may upuan sa harap ng classroom nila. Matagal ko na ring hindi nakaka-kwentuhan si Chantelle. Bestfriend ko siya since 1st year palang kami. Kahit nasa ibang section siya, nananatili parin ang closeness namin sa isa't-isa.
Habang nagke-kwentuhan kaming tatlo, may nakita akong hindi magandabsa hindi kalayuan.
Nakita ko si Janssen na nakaupo rin sa hindi kalayuan. Biglang kumulo ang dugo ko. Parang gusto kong ituloy na yung war namin. Tinititigan ko lang siya ng masama. Pero parang nakita niya rin ako. Bigla akong lumihis ng tingin. Pero sumimple ako ng tingin at nakita kong nakatitig din siya sa akin ng masama. Yung sobrang sama. Nung nakita naman niya na nakatingin ako sa kanya, lumihis naman siya ng tingin at siya naman ang tinitigan ko ng masama.
"Huy! Sinong kaaway mo?" Bigla akong bumalik sa sarili nang magsalita si Chantelle.
"Uhmm. Wala. Wala 'to." sabi ko.
"Eh bat ganyan mukha mo?" Tanong niya at hinanap niya kung sino yung tinititigan ko kanina.
*Ring*
Biglang nagbell at tumayo na kami ni Aira sa kinauupuan namin. Nakita ko rin si Janssen na pasimpleng tumitingin ng masama sakin.
Ayoko rin ng war. Pero pinipilit niya ako.
