July 24, 2014

32 3 2
                                    

Dear Diary,

Alam mo ba, pagpasok na pagpasok ko palang kanina sa classroom, hinatak nalang ako ni Emma kung saan.

Si Emma, isa siya sa classmates ko na medyo close ko. Mabait at matalino. May times lang talaga na lutang siya at wala sa sarili. Kaya marami ring nawi-wierdohan sa kanya. Kahit naman ako minsan, ganun ang tingin ko sa kanya.

Balik tayo sa story.

So hinatak nga ako ni Emma kung saan. Ewan ko ba sa kanya. Nagulat nalang ako dahil hinatak niya ako.

"Uy, saan punta natin? Nakakagulat ka naman." Tanong ko sa kanya.

"Sa 4-D, manghihiram lang ako ng Asian Map." Sagot niya.

4-D, as far as I know, yun ang section ni Bae. Yeah. Yun nga ang section niJanssen. Sayang nga eh, hindi man lang ako  nakapag-pulbo. Hindi pa naman kaaya-aya yung itsura ko kanina. Ang haggard-haggrad ko pa naman kanina.

"Kanino ka ba manghihiram?" Tanong ko.

"Kay Janssen or kay Pao." Sagot niya at kumatok siya sa Classroom ng  4-D. Saktong pagkatok niya...

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

...Si Janssen my labss ang nagbukas. Anlakas ng heatbeat ko. Sa sobrang lakas, baka marinig niya.

Grabe ang kilig ko.

"Hi Aaliyah," sabi niya sakin at ningitian niya ako. Ang gwapo talaga niya pag naka ngiti. Shemss. Bihira kasi akong pumunta sa classroom nila eh. I mean, never pa akong nakapunta sa classroom nila. First time 'to.

"Hi Janssen," sabi ko. Feeling ko, nagblush ako dun. Yiee!

"Uy Janssen, peram naman ng Asian Map oh." Sabi sa kanya ni Emma.

"Sure thing. Wait lang ha?" Sabi niya at pumasok na siya ng classroom nila.

"Kilala mo pala si Janssen?" Sabi ni Emma.

"Yeah. Ikaw? Kilala mo rin pala si Janssen?" Sabi ko sa kanya.

"Yeah," tipid niyang sagot.

"How?" tanong ko.

"Classmate ko siya last year. Diba nga galing ako sa 3-C last school year? Ikaw? Paano mo siya nakilala?" Tanong niya.

"Eh kasi---"

"Heto na yung Asian Map," naputol ang sasabihin ko nang dumating si Janssen. Phew, buti nalang. Ayoko rin naman sabihin sa kanya kung paano kami nagkakilala. Mahabang kwento.

"Ikaw Aaliyah? May kailangan ka ba?" Tanong niya.

"Uhmm. Wala naman. Sinamahan ko lang si Emma dito. So shall we go?" Sabi ko.

"Yeah. Thanks Janssen ha? Isasauli ko nalang mamaya." Sabi niya.

"Sige. Bye." Sabi ni Janssen at umalis na kami sa harap niya. "Uhmm. Aaliyah?" Pahabol ni Janssen.

Agad akong lumingon.

Itinaas niya ang cellphone niya. Siguro gusto niya ulit makipagtext sa akin during class hours gaya ng usual naming ginagawa. Kaya tumango ako and I waved a goodbye.

Ang cute talaga niya dearest diary. Kung alam mo lang yung itsura niya kanina.

Aaliyah

Never said YES to Mr. RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon