June 26, 2014

47 4 0
                                    

Dear Diary,

Guess what, may new friend nanaman ako because of Facebook.

May nag-add kasi sakin sa facebook. He's name is Janssen Orteza. Syempre bago ako nag-aaccept, tinitignan ko muna yung profile niya. Familiar kasi yung face niya sa profile picture niya.

Nung tinignan ko yung timeline cover niya, he's wearing a PE uniform same as mine. And kasama niya yung Biology teacher namin last year.

So iisa lang ang meaning nun diba? Kaya inaccept ko yung friend request niya.

Pagka-accept na pagka-accept ko, bigla nalang may nagmessage sakin. Yung nag-add sakin.



Hi po :)



Yan lang ang message niya. Wala namang masama kung magrereply ako diba? Ganun lang din ang reply ko sa kanya.



Janssen: Naaalala mo ako? :)
Me: Uhmm. Hindi po eh.
Janssen: Ako yung kasama ni Alexander kahapon.



Oo nga. Siya nga yung epal na lalaking bigla nalang inaya si Alex kahapon habang nag-uusap kami. Yung bastusing lalaki. Infairness, ang nice niya naman pala eh.


Me: Oh. Yas. I remember na.



Yung tipong kahapon, inis na inis ako sa kanya. Pero ngayon, siya na yung new friend ko ngayong araw. How ironic.

Tinanong na nga niya sakin ang lahat eh. Yung number ko, section ko, birthday ko, pati nga yung crush ko tinanong niya eh.

Andami nga namin napag-usapan dearest diary eh. Ang saya niya kasing kausap.

And nagkaroon pa kami ng tawagan eh. Ate & Kuya.

Mas matanda kasi ako sa kanya ng 2months. Kaya biniro ko siya na Ate nalang ang itawag niya sakin. Tapos tinawag ko rin siyang kuya.

And sineryoso niya talaga yung tawagan na yun.

Alam mo, anlakas ng pakiramdam ko na magiging maganda ang 3rd Year High School life ko. I can feel it right now.


Aaliyah

P.S. Hindi ko akalaing bestfriend niya si Sean at Josh?!

Never said YES to Mr. RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon