August 12, 2014

26 4 1
                                    

Dear Diary,

Ano ba 'to? Diba nagbibiro lang si Sir? Bakit wala na yung mga gamit niya sa Faculty Room? Ni-kapiraso ng papel, wala doon. Why oh why?

Akala namin, nagbibiro lang siya kahabi. Pero hindi.

Pumunta siya sa classroom kaninang uwian para sabihin ang nakaka-iyak niyang farewell messsage.

"Guys, I'm sorry kasi ngayon lang ako nagpaalam na aalis na ako. (Tears are dropping) Sorry kasi bigla-bigla nalang ako sumuko. Pero I did my best para magpaka-tatag. Sorry talaga. Bigla ko nalang kayo iniwan sa ere. (*sniff*) Basta gawin niyo yung best niyo sa finals ha? Tsaka mag-aral kayo ng mabuti. Exam nanaman bukas. Okay? Ipakita niyo sa Clasa 3-C na deserve niyong maging first placer sa elimination round. Be champions. Okay? Basta. I Love You Guys. Pakabait lagi."

Isa-isa niya kaming nilapitan at niyakap niya kaming lahat. Dun na nagsimulang marinig ang mga iyakan at hikbi naming lahat.

Siya ang favorite teacher ko. Kahit hate kp ang subject niya nung elementary ako. Pero dahil sa kanya, nagustuhan ko ang science. Isa siyang magaling, maintindihin, energetic, gwapo, mabait, maraming techniques sa pagtuturo, friendly, friend ng lahat, at kung anu-ano pa.

Pero despite of his characteristics, hindi ko akalaing may galit parin sa kanya. You can't please anybody ika nga.

Pero bakit aabot pa sa sitwasyong magre-resign na siya? Marami paring tanong sa mga isip namin bilang mga estudyante niya.

Parang hindi parin kami handa sa pag-alis niya dearest diary. Hindi pa.

-Aaliyah

Never said YES to Mr. RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon