Kabanata 21

22 1 0
                                    

Kinabukasan ay maaga akong nag ayos para makaalis agad baka kasi malaman pa nila papa nandoon ako sa perya kagabi. Dahan-dahan akong lumabas ng pinto at saktong nasalubong ko si Hiro na papasok ng gate.

"Hiro!" Lumapit naman ako sa kanya.

"Pasok ka na? Aga ha?" Sabi niya.

"Hindi ka ba galit sa'kin?" Nakita ko sa mukha niya ang pagtataka.

"Bakit ako magagalit sa'yo?" He chuckled.

"Eh kasi--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil dumating ang mga pulis.

"Maaari ka bang sumama sa'min para magbigay ng statement sa nangyari kagabi?"

"Opo, kami po." I said at hinila si Hiro papalabas at sumakay sa kotse ng pulis.

Habang papunta kami doon ay takang taka naman si Hiro. Ano bang nangyayari sa kanya?

"Teka, anong perya? Anong pagsabog ba sinasabi mo Syna?" Napakamot siya sa ulo niya.

"You're acting weird, Hiro. Kahapon ibang iba ayos mo then bago tayo mag hiwalay galit ka sa'kin."

"Ha? Nag umagahan ka ba?"

Hindi ko na muna siya sinagot. Hanggang sa makarating kami sa police station at isinalaysay ko lahat nang nangyari kagabi. Nanatili namang tahimik si Hiro at malalim ang iniisip.

"Thank you, ms. Madrigal and mr. Fuentes" after no'n ay lumabas na kami.

"S-syna, sandali."

Huminto naman ako sa paglakad at humarap sa kanya. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Totoo ba lahat nang sinabi mo kanina do'n sa loob?" He said at tinaasan ko siya ng kilay. Parang nainis ako sa tanong niya sa'kin.

"Why? D'you think na magsinungaling ako? Hindi ako sinungaling, Hiro. Ikaw 'tong nagsisinungaling eh. Bakit hindi ka man lang nagsalita kanina? Bakit parang hindi mo maalala ang mga nangyari?"

"Kasi paanong--"

"Paanong ano ha?" Nagring naman ang phone ko at nakita ko ang text ni Dennis.

From: Dennis Cromwell
Magkita tayo mamaya, magpapadeliver ulit ako rito ng milktea. May mahalaga tayong pag-uusapan.

Tinago ko na ang phone ko at muling humarap kay Hiro. Kitang kita ko pa rin ang pagtataka sa mukha niya.

"Bahala ka na dyan!" I said at nauna lumakad papuntang school. Siya mukhang uuwi pa siya dahil hindi naman siya nakauniform.

~**~

Matapos ang buong maghapon na pag aayos para sa mga kailangan ko sa school ay didiretso na agad ako sa work. Kasama ko ngayon si Crystal na ngayon ay ngiting-ngiti at nakatitig sa phone niya habang naglalakad kami papasok sa shop.

"Crys, may ano ba?"

"Ang sweet kasi ni Sylfer" sabi niya at umarteng kinikilig. Napairap na lamang ako sa hangin.

"Dagdag ka lang sa mga babae ni Sylf. Kaya tigilan mo 'yang kakambal ko pasaway yan."

"Kami na, Sy" Ngiting-ngiti niyang sabi. Napahinto naman ako sa paglalakad at nanlaki ang mata.

"What??? Kelan pa???"

"Kagabi lang, sinagot ko siya sa call. Hihi" Napatampal na lamang ako sa noo. Pag pinaiyak talaga ng kakambal ko 'to madadagukan ko 'yon.

Mystery Chasers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon