Kabanata 25

11 2 0
                                    

Sa paglipas ng mga araw madalas akong pagod. Dahil bago ang aming graduation ay magaganap na farewell party. Lahat kami ay required na tumulong sa pag gugupit ng mga ipande-design sa gabing iyon. Late na rin ako nakakapasok sa milktea shop. Mas okay na rin 'to ng makaiwas ako na makita si kuya. Everytime kasi na nakikita ko siya naalala ko lang ang mga nasaksihan ko.

"O, guys, tamana muna 'yan doon naman muna tayo sa stage tumulong." Sabi ng president ng class namin. Napairap na lamang ako sa hangin at tumayo na para pumunta sa stage.

"Hoy, Sy! Hindi ka ba excited sa farewell party? Ever since kasi na ginawa natin 'to nakasimangot ka." tanong ni Crystal.

"Mukha ba akong mahilig sa ganito? Hindi ba puwedeng grumaduate nalang tayo? Besides, hindi na rin naman natin maalalang ngitian ang isa't isa pag nakasalubong natin sila after many years." I said.

"Kaloka ka! Bitter yarn? Alam mo ba bukod sa hindi ka umattend ng prom noong junior high school palang tayo, ay hindi ka rin umaattend ng mga ibang party kaya it's your time ng maranasan mo naman ang ganito. Sabi nila mahirap na raw sa college. Kaya need natin marelax ang mga ganitong munting kasiyahan ano ka ba!" Sabi niya sabay hampas sa'kin.

"Masakit ha!" sabi ko at hinila ang buhok niya.

"Aray!"

"Syna! Crystal!" Pagtawag sa'min ni Hiro. Nandoon siya sa stage at nakaakyat sa hagdan. Nagdidikit ng mga letters na ginupit kanina ng iba.

Lumapit naman kami sa kaniya para tumulong. Nakita rin namin ang asungot kong kakambal na nakikipagharutan sa mga babae niyang kaklase.

"SYLFER!!!!" galit na tawag ni Crystal. Nakita ko naman ang takot ng kakambal ko sa paglingon niya. Natawa nalang ako dahil lumapit si Crystal doon para pingutin siya.

"Ang cute ng dalawang 'yan 'no?" bumaba na si Hiro sa hagdan at lumapit sa'kin.

"Sanay na ako sa kanila. Hindi ko nga alam kung tatagal ba ang relasyon nila kung ganiyan sila palagi."

"I'm sure tatagal sila kahit pa para silang aso't pusa."

"Tss, bumalik ka na nga sa ginagawa mo!"

"Teka, may date ka na ba sa farewell party natin?" Napataas naman ang kilay ko sa tanong niya.

"Bakit? Kailangan pa ba 'yon?"

"Oo naman! Ngayon ka lang ba aattend ng mga ganito?"

"Oo, napilitan lang ako dahil required. But I think na boring ang party na 'to." sabi ko at dumampot ng mga pandesign at idinikit ito sa dingding.

"Ano ka ba naman? I'm sure magiging masaya ang party na 'to. So, will you be my date?"

"What!???" Napatingin silang lahat sa'kin dahil sa lakas ng boses ko.

"W-will you be my date?" Napakamot naman sa batok si Hiro at ngumiti ng alanganin.

"Um-oo ka na, Syna!"

"Oo nga, pakipot ka pa!"

"Hoy, ang gwapo niyan, Syna! Pag ayaw mo akin nalang 'yan"

Pang aasar sa'kin ng mga kaklase ko. Napairap nalang ako sa hangin. Bakit ba kasi kailangan pa ng ganito? Eh buong buhay ko hindi ko naman 'to nararanasan pa. Relax, date lang naman 'yan sa party walang ibang ibig sabihin. Huminga muna ako ng malalim bago sumagot. Ayaw ko rin naman na mapahiya siya rito.

"Okay, fine!"

"Y-yes?"

"Yes"

"Woooooohhhooo!!!" Nagulat ako ng nagtatalon siya sa tuwa at nagpalakpakan naman ang mga taong nandoon.

Mystery Chasers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon