Kabanata 9

14 3 0
                                    

HIRO

Nagising ako kinse minutos bago pa tumunog ang alarm clock ko. Nakita ko sa bintana na malakas ang ulan kaya  bumangon ako at nag inat-inat. Kailangan ko na magluto dahil babaunin ko ito para makatipid. Sinuot ko ang aking tsinelas at bumaba. Nabaling naman ang tingin ko sa taong nakahiga sa sofa. Medyo natatawa ko dahil nasa kabilang sofa naman si Sylfer. Nilapitan ko sila at pinagmasdan. Namimiss ko na rin ang kapatid ko siguro kung hindi siya namatay 12 years ago baka katulad din namin sila Syna. Lumapit ako kay Syna at inayos ang kumot na binigay ko kay Sylfer kagabi para ikumot sa kanya. Sandali ko palang siyang nakikilala pero parang may kakaiba sa kanya na hindi ko maipaliwanag. Lumakad na ko papunta sa kusina pagkatapos at kinuha ang mga sangkap para sa pagluluto. Malamig masyado ngayon dahil nga sa malakas na ulan. May bagyo ba? Maaraw naman kahapon bakit naman ganto kasama ang panahon ngayon?

Niluto ko na lamang ang itlog at hotdog almusal namin at baon ko. Hindi na sila nakauwi kagabi dahil nakatulog na si Syna rito sa unit ko. Hindi sila makakapasok ngayon dahil na rin sa nagkasagutan daw sila ng papa niya ayon sa kwento sa'kin ni Sylfer. Nakakainggit nga sila dahil sila may buong pamilya samantalang ako mag-isa nalang. Sanay naman na ako kaya hindi na rin ako masyadong nalulungkot.
Matapos kong maluto ang mga pagkain ay inopen ko muna ang tv sa sala pero hininaan ko lang dahil baka magising ang kambal. Sakto naman at balita ito tungkol sa malakas na pag-ulan.

Isang malakas na ulan ang hindi inaasahan ngayon sa iba't ibang lugar. Marahil ito ay dala na rin ng bagyo na papalapit na sa PAR.

Pinakinggan ko lang ang balita. Kaya naman pala umuulan dahil may papalapit na naman na bagyo.

Pinapayuhan na mag-iingat ang lahat

Matapos kong mapanood ang balita ay inopen ko ang aking facebook account. Pumunta agad ako sa page ng Ordin High at nakita ko na nag-cancel si Mr. Ordinare ng pasok. Para akong natuwa sa nabasa ko dahil ibig sabihin walang maaaktawang subject sila Syna dahil wala naman talagang klase.

"Hiro" Napatingin naman ako sa tumawag sa'kin.

"Syna, gising ka na pala"

"Teka? Ba't nandito pa kami?" Bumangon siya at hinawakan ang kanyang noo na akala mo ay problemado.

"Hindi ka na inuwi ni Sylfer dahil nakatulog ka na rin naman daw" Tumayo siya at hinampas ng kumot ang natutulog niyang kapatid at nagising naman ito ng gulat na gulat.

"Ate, ano ba ha!"

"Who told you na matulog tayo rito!?"

"Ikaw ang unang nakatulog! Ano gusto mo buhatin kita ang bigat mo kaya!" Napakamot na lamang ito sa ulo niya.

"Tamana nga 'yan tara kumain muna tayo, walang pasok 'wag kayo mag-alala wala kayong maaktawang subjects" I smiled at them.

"Uuwi na kami" sabi ni Syna

"Marami 'yong niluto ko sayang naman kung hindi niyo ko sasaluhan"

"Halika, kumain tayo hayaan mo 'yang si ate" napailing na lamang si Syna at lumabas na ng pinto.

Kami na lamang ni Sylfer ang kumain ng inihanda ko habang nagkekwentuhan. Napakakwelang kausap nito kaya hindi ka talaga mabobored. Hindi siya nauubusan ng kwento unlike Syna na parang laging ang lalim ng iniisip.

Mystery Chasers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon