Kabanata 5

24 5 0
                                    

HIRO

"Sylfer, sigurado ka bang papasok ka para samahan ako na magtransfer sa school niyo?"

"Oo, si kuya muna ang magbabantay kay ate sa hospital. Salamat talaga pre ha? Niligtas mo ang kakambal ko" Tapik niya sa balikat ko at ngumiti siya may bahid ng lungkot.

"Walang anuman, tara na ?" Sinara na namin ang gate ng apartment at nag umpisang maglakad. Naisip ko ang nangyari kahapon. Mabuti nalang talaga at nailigtas ko siya dahil kung hindi baka nakasama na siya sa mga namatay sa lugar na iyon.

Flashback

"15 minutes na pero wala pa si ate. Baka kung ano na nangyari sa kanya" napaupo nalang si Sylfer at hinihimas ang buhok niya. Malaki na ang apoy baka kung ano na ang mangyari sa kanya. Naghintay pa kami ng ilang minuto at sa wakas dumating na rin ang bumbero at ang ambulansya.

"Pupuntahan ko ang ate mo sa loob. Dito ka lang" Tumayos siya at tumango-tango.

Tumakbo ako papunta sa loob ng nasusunog na simbahan. Inaapula na ng bumbero ang apoy sa paligid kaya kahit papaano ay 'di na ko nahirapan sa pagpasok rito. May mga rescue team rin na pumasok para iligtas pa ang ibang nasa loob.

"Syna!" Tawag ko pero walang sumasagot. Hindi ko masyadong maaninag ang daan dahil makapal pa rin ang usok. Lumakad ako at pilit na iniiwasan ang apoy sa paligid. Luminga-linga ako dahil baka sakaling hindi ko lang siya makita dahil sa apoy.

"Syna! Syna! Nasaan ka!?" Lumakad pa ako sa isang sulok at natanaw ko na may taong nakahiga roon. Nang una ayokong lapitan dahil masyadong maraming apoy sa paligid noon. Pero nang natanaw ko si Syna iyon ay patakbo akong lumapit sa kanya. Kahit malakas ang apoy sa paligid no'n ay pilit kong sinuong para maligtas siya. Wala na siyang malay at may paso rin siya sa balat. Hinawakan ko siya sa kamay at tsaka ako nagsalita.

"Syna, don't worry ilalabas kita rito. Hindi kita pababayaan"

Dahan-dahan ko siyang binuhat at hinanap ko ang daan pabalik. Buti na lamang at naapula na ng konti ang apoy sa dinaanan ko kanina. Nang makalabas kami ay sinalubong na kami ni Sylfer at ng ambulansya at ihiniga ko siya sa kama roon para dalhin kami sa hospital. Kitang kita ang pag-aalala ni Sylfer para sa kakambal niya ako naman ay nakatingin lang kay Syna at nanatiling tahimik hanggang makarating kami sa hospital.

End of flashback

"Pre, 'di na kita masasamahan sa admin ha? Baka malate ako sa class masungit kasi iyong teacher namin ngayon sa first subject"

"Ayos lang, sige na pumasok ka na" Nagpaalam na siya sa'kin at umalis na.

Luminga-linga ako at napansin kong maliit lang ang Ordin pero maganda naman ang paligid nito. Lumakad na ako para hanapin ang office ng admin at pagdating ko roon lahat ay halos nakatingin sa'kin at nakangiti.

"Goodmorning po!" Bati ko sa kanila at medyo yumuko ako at ngumiti. Lumapit ako sa admin at naupo.

"Goodmorning, I'm miss Grace and you,  what is your name?"

"Hillary Rhoel, Hiro nalang po"

Pinaliwanag ko muna sa kanila ang dahilan kung bakit ako lilipat. Dahil mukhang ayaw nila tumanggap ng transferee dahil dalawang buwan lang daw ay mag ga-graduation na. Pero pinilit ko makiusap sa kanila. Dahil kumpleto naman na ang mga dokumentong hawak ko. Isa pa, mas gusto ko rin dito dahil dito may kakilala na ako.

"Are you sure na dito mo gusto?" Nagtatakang tanong ni miss Grace sa'kin

"Yes, ma'am"

"Seriously?"

Mystery Chasers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon