Kabanata 17

24 1 0
                                    

SYNA

"You're right" nakangising sabi ni Dennis.

Tiningnan ko siyang mabuti. Hindi ang killer ang may gawa nito sa kanya. Dahil buhay pa siya until now. Iniiwan lamang ng killer na iyon ang markang 'yan sa mga taong pinapatay niya.

"Hindi ang killer ang may gawa sa iyon niyan" I firmly said.

"Matalino ka miss" nakangising sabi niya.

"Syna, Syna ang pangalan ko." sabi ko at medyo lumapit sa kanya.

"Syna. Okay. Anong ginagawa mo rito?"

"Hinanap talaga kita, Dennis. About 'to sa Mystery Chasers. Nakita ko sila nang gabing may nangyari sa'yo. Pero sino ba talaga ang gumawa niyan?" I asked.

"That's my plan. Ang palabasin sila sa lungga nila. Pag may crime tsaka lang sila lumalabas lalo na kung kasama ang mga markang ito."

Pinakita niya ang mga letrang nasa braso niya. Naguguluhan pa rin ako until now.

"Sino ang gumawa niyan sa'yo?"

"Ako mismo" nakangising sabi niya.

"What!?"

"Katulong ang kaibigan kong lalaki na I'm sure sinundan mo para mahanap ako. Kailangang magmukhang krimen ito. Dahil alam kong may mga cctv malapit sa area na iyon. Sinigurado kong hindi siya makikilala ulit-ulitin man ang cctv footage ng mga pulis o maging ng MC. Tinapat namin na makikita talaga kami sa cctv. He stabbed me 4 times pero inaral naming mabuti kung 'san lang pwedeng itama ito ng di ako mapupuruhan. Sinabi ko sa kanya na after that, iukit niya sa mga braso ko ang yiksz (YIXZH)."

"Delikado ang ginawa mo! I'm sure alam na rin ng Mystery Chasers ito at maging ng killer ang panggagaya mo. You're in danger."

"I know, kaya nga't nag-iingat din ako sa mga pumapasok dito. Obvious naman sa reaction ko kanina 'di ba?" He smirked

Naiinis ako sa pag ngisi niya. Mukha siyang mayabang paano natiis ni Rhianne na makipag relasyon sa ganitong klase ng lalaki? Kung wala lang akong kailangan sa kanya hindi ako mag aaksaya ng panahon dito.

"Hinahanap mo rin ang Mystery Chasers? Why?"

"I should be the one asking you that. Bakit mo gustong mahanap ang MC?" Kunot-noo niyang tanong sa'kin.

"I need to find justice for my mom. She died 12 years ago. Until now, wala pa rin kaming nakikitang hustisya."

"Iyon lang ang dahilan mo? Pansariling kagustuhan lang? D'you think na makakapasa ka sa kanila?" He smirked again at napailing-iling. Medyo uminit ang ulo ko sa sinabi niya pero sinusubukan ko pa rin maging mahinahon.

"Ikaw, bakit gusto mong sumali sa kanila?"

"Dahil nangako ako sa tito ko na pagdating ko ng 18 years old hahanapin ko ang Mystery Chasers. I will be one of them. Sila ang literal na superhero na iniidolo ko simula nang bata pa lamang ako. Lagi silang laman ng kwento ni tito sa'kin. My tito is a former member of MC. They save lives. They chase mystery and reveal the truth. Hindi pwede ang pansariling kagustuhan lamang. Inuuna nila palagi ang kapakanan ng iba. And as far as I remember, may isang grupo sila talagang kinakalaban. Hindi ko alam kung ano pero sigurado ko na ang mga letrang Y I X Z H ay may kinalaman doon. Isa pa gusto ko rin maipaghiganti talaga si Rhianne. I love her so much. Hindi ko matanggap na dahil lang sa killer na iyon ay mawawala agad siya sa'kin."

Halos mapanganga ako sa mga sinabi niyang impormasyon sa'kin. Mas lalo akong naging interasado sa grupong iyon. Lalo't gusto ko ring malaman ang misteryong bumabalot sa mga letrang iniiwan ng killer na iyon.

Mystery Chasers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon