Kabanata 11

22 2 0
                                    

Ilang araw na rin ang nakalipas at hindi pa umuuwi si papa at kuya ni hindi man lang sila makaisip magtext o tumawag. Nag-aalala na ako para sa kanila. Ilang araw na rin ako naghahanap ng impormasyon tungkol sa Mystery Chasers pero wala pa rin akong nahahanap.

"Sy, okay ka lang? Nakakunot na naman ang noo mo. Hindi ka ba masaya na sa Laxamana tayo mag-aaral next year?" Tiningnan ko lamang siya at 'di sumagot.

Lulan kami ngayon ng tricycle papunta sa Laxamana University. Pupunta kami roon para magpa-register. Kasama namin si Hiro at Sylfer pero nasa kabilang tricycle sila. Hindi ko naman talaga sana gusto sa Laxamana mag-aral pero iyon ang desisyon ni papa wala rin akong magagawa.

Inihinto kami ng tricycle sa tapat ng Laxamana. Napakalaki pala talaga nito tama ang kwento ni kuya sa'kin noong unang pasok niya palang rito.

"Wow! Grabe gate palang 'yan ang laki na!" Sabi ni Crystal na manghang-mangha sa nakikita niya.

Ilang minuto lang ay dumating na rin si Sylfer at Hiro at tulad ni Crystal ay manghang-mangha rin sila. Pumasok na kami rito kasabay ng ibang estudyante na rito nag-aaral at ang iba ay mukhang magpaparegister lang din. Napakaganda ng loob ng Laxamana parang kailangan mo pa sumakay ng jeep para malibot mo ang loob nito.

"Sobrang laki naman ng paaralang 'to" Sabi ni Hiro na lilinga-linga sa paligid.

"Sinabi mo pa, buti nalang talaga ipinilit ni papa na mag-aral kami rito" Sabi ni Sylfer.

"Kung pwede lang na rito nalang din ako mag-aral" Sabi ni Hiro. Napatingin ako sa kanya at nakita kong ngumiti siya ng malungkot.

"Bakit ka sumama? Hindi ka naman pala mag-aaral dito" Tanong ko. Aaminin ko na medyo naiinis ako sa kanya dahil nitong mga nakakaraan nadadalas ang pang-aasar niya sa'kin.

"Wala lang, wala rin namang klase sa Ordin dahil nga early registration naman ng mga highschool. Tsaka gusto ko kayong makasama"

"Pwes, ako ayaw ko!"

"Ate! Tamana nga iyan. Nang mga nakakaraan pa kayo ganyang dalawa ha?" Ngumisi siya na akala mo'y may gustong iparating.

Umiling na lamang ako at inirapan siya. Dumeretso na ako ng lakad at sumunod sila sakin. Nagtanong ako sa nakasalubong kong babae kung saan kami magpaparegister.

"Excuse me, saan magpaparegister dito?"

"Sa fourth floor sa building na medyo malapit sa cafeteria lahat ng room doon pwede kayo magregister dahil sa sobrang dami ng estudyante lahat ng room ginamit"

"Salamat"

Lumakad na kami muli papunta sa sinabi ng babaeng pinagtanungan namin. Nang marating namin ang sinasabi niya ay naging parang inosente na naman ang mga kasamahan ko.

"Ang taas ng building grabe!" Sabi ni Sylfer.

"Pasok na tayo excited na ko!" Sabi naman ni Crystal at patakbo silang pumasok sa loob habang kami ni Hiro ay naglalakad lang.

Masyado ngang maraming estudyate na gustong mag-aral dito. Pero ako iba ang pakiramdam ko sa paaralang 'to.

"Ate, may elevator o! Hindi tayo mapapagod sa pag-akyat" Lumapit kami doon at hinintay ito magbukas.

Tumagal lang ng ilang minuto ang paghihintay namin dahil hanggang 5 palapag lamang ito. Medyo masikip dahil marami ring estudyante. Nasa bandang likod kaming apat may iilan paring estudyanteng sumakay kaya medyo naitulak ako at nadikit ako kay Hiro.

"O-kay ka lang, Sy?" Tanong niya.

"Y-yes" Nakadikit ako sa dibdib niya dahil medyo nasa harap niya ako. Hindi naman ako makaayos dahil nga puno ito. Nararamdaman ko ang mabilis na tibok ng puso niya ngunit pinagwalang bahala ko na lamang ito.
Ilang minuto lang naman ang lumipas ay sabay-sabay na kaming bumaba sa ika-apat na palapag ng building na 'to.

Mystery Chasers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon