Kabanata 1

56 6 0
                                    

SYNA

"Daddy! Nasaan si mommy? Daddy!" Pababa kong hinahabol si daddy habang buhat buhat ang kakambal kong lalaki at pareho kaming umiiyak.

"Bitawan mo ang kapatid ko!" Sigaw ni kuya mula sa taas ng hagdan at sugatan. Hindi ko naiintindihan ang nangyayari. Hinahabol ko pa rin ang ama ko hanggang sa paglabas.

"Daddy! Sasama ako sa'yo!" Humahagulgol ako at huminto siya tiningnan niya ko. Sobrang nakakatakot na tingin at ngumisi. Pero lumapit pa rin ako at kumapit sa kanya. Bigla niyang inihampas ang malalaki niyang kamay sa mukha ko at dahilan iyon para matumba ako.

"Hindi kita kailangan!"

*Kriiiiiiingggggg! Kriiiiiiiinggggg!*

Napabangon na lamang ako bigla sa tunog ng alarm clock ko. It's already 5:30 am. Napanaginipan ko naman. Nagbuntong hininga na lamang ako at napailing. Bumangon na ako at dumiretso sa cr.
Habang naliligo ako napapaisip ako. Bakit nga kaya iniwan kami ni daddy noon? 12 years ago na simula mangyari iyon. Ngunit hindi pa rin ako natatahimik. Balang araw malalaman ko rin ang dahilan ng lahat.
Nang matapos ako maligo ay nagbihis na ako at ginising ang kapatid ko.

"Sylfer, gising na." Naupo muna ako sa higaan ko. Maliit lang ang kwarto namin dahil apartment lang naman ito. Dalawang kwarto lang sa kabila si kuya at si papa. Parehong double deck lang din ang higaan. Sa kwarto namin ako ang nasa baba at si Sylfer naman ang sa taas. Malayong malayo ito sa pamumuhay namin noon 12 years ago pero mas mapayapa ito.

Inayos ko na ang gamit ko para school.
Mauuna na ako pumasok dahil maglalakad lang naman ako. Kung sasabay pa ko sa kakambal ko lalo lang ako malelate.

"Sylfer, una na ako." Kurot ko sa kanya.

"Oo na ate! Mauna ka na! Inaantok pa ako." Napailing nalang ako dahil ganito siya lagi. Bumaba na ako dahil ayoko naman mahuli sa klase. Nakita ko si papa nakausap si Aling Mildred ang land lady ng apartment na to.

"O sige po, Aling Mildred. Salamat po."

"Sige, aasikasuhin ko lang iyong bagong lilipat sa kabila." Nagpaalam na si Aling Mildred. Nakangiti naman akong sinalubong ni papa.

"Papasok ka na.?" Tumango ako kay papa at tumingin ako sa lamesa.

"Pasensya na anak hindi pa ako nakapamalengke, pero 'wag ka mag-alala mamaya nalang 'no?" Ngumiti nalang ako kay papa. He's doing everything para sa'ming tatlo. Guro siya sa isang sikat na Unibersidad. He's a father of science para sa'kin. Napakahusay niya pagdating sa ganon.
Para makatulong sa kanya nagpapart time job ako sa isang milktea shop.

"Okay lang po, papa. Busog pa po ako at baka mahuli pa ko sa klase."

"Gusto mo bang ihatid kita gamit iyong van sa trabaho namin?" Umiling nalang ako. Ayoko kasi talaga sumakay sa van na iyon. Ginagamit iyon sa trabaho nila ni kuya pag weekend. Pinahiram lang sa kanila iyon ngayon pero kakaiba talaga ang loob noon. Hindi ko alam kung bakit ganoon ang loob noon. Mahirap ipaliwanag pero ayoko sumakay roon.

"Mag-iingat ka nalang ha?" Niyakap ako ni papa. Ganito siya lagi tuwing aalis ako. Napakablessed ko na siya ang papa ko. Nagpaalam na ako at lumabas ng bahay. Nasalubong ko si aling Mildred na may kasamang lalaki na mukhang ka-edaran ko rin.

"O, Syna? Ang aga mo talaga lagi. Magandang umaga." Ngitian ko siya at binati rin.

"Magandang umaga rin po, aling Mildred."

"Eto nga pala iyong bagong lilipat diyan lang din sa tabi ng tinutuluyan niyo. Dahil umalis na nga iyong dating umuupa." Ngitian ako nang lalaking kasama ni aling Mildred pero pinanatili ko ang cold kong expression. Medyo napasingkit ang mata ko dahil parang nakita ko na siya noon hindi ko lang maalala kung saan.

Mystery Chasers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon