Kabanata 10

20 2 0
                                    

SYNA

"Thank you, sir." Sabi ko habang inaabot ang order ng customer.

Nandito ko ngayon sa Milktea shop at nagtatrabaho. Nandito rin si Crystal na katatapos lang magtapon ng basura at kanina pa rin ako kinukulit.

"Sabihin mo na kasi, Sy! Ano pa nangyari kahapon?" Naupo muna ako saglit habang wala pang umoorder.

"Naligo lang nga kaming tatlo sa ulan, 'yon lang"

"Hay! Akala ko pa naman may nangyaring maganda like kayo ni Hiro nagyakap sa ulan o kaya nag ki---"

"That won't happen. Wala sa isip ko ang mga iyan Crystal"

Biglang pumasok sa isip ko na parang hindi yata ako ginambala kahapon ng mysterious guy na pumapatay. Nakalimutan ko rin isipin ang mga iyon kahapon. Panandalian kong nakalimutan na may problema kong kailangan lutasin. 

"Hi, Crystal!" Napatingin ako sa lalaking nagsalita.

"Hi, Syna!"

"Hiro? Anong ginagawa mo rito?" Tanong ni Crystal na ngiting-ngiti at tiningnan ako ng nakakaloko.

"Dadalhan ko lang kayo ng meryenda. Ako ang gumawa niyang burger na iyan" Nakangiting sabi niya.

"Ikaw?" Tanong ni Crystal.

"Oo, diyan ako nagpapart time job sa Zhang's burger shop katapat lang halos nitong shop niyo" Sabi niya at inilapag ang dalawang balot ng burger na may pangalan namin sa counter.

"Salamat dito! Sakto hindi kasi kami nagrecess ni Syna kanina sa school dahil marami siyang lecture na kinopya sa'kin" Nakangiting sabi ni Crystal at inabot niya sa'kin ang isa. Tiningnan ko si Hiro at ngumiti ng tipid sa kanya.

"Salamat" Sabi ko.

"Welcome, balik na muna ako do'n walang kasama si Josh. Hinatid ko lang talaga iyan dito para makakain kayo"

"Sige salamat ulit dito ha?" Sabi ni Crystal.

"Syna, kainin mo iyan ha?" Sabi niya at ngumiti ng nakakaloko bago umalis.

Naghehesitate ako kung kakainin ko ba 'to dahil sa ngiting ibinigay niya sa'kin. Wala naman siguro 'tong lason at isa pa kanina pa rin ako nagugutom. Kinuha ko ang burger at kinagat ito ng dahan-dahan. Nanlaki ang mata ko dahil sa sobrang anghang napahawak nalang ako sa leeg ko at nag-uubo.

"Sy! Okay ka lang!?" Sinenyasan ko siya na kumuha ng tubig at pinaypayan ko ang bibig ko gamit ang kamay para malaman niya na naaanghangan ako.

"Eto na, inumin mo" Sabi ni Crystal na medyo natatawa-tawa. Tiningnan ko siya ng masama.

"Anong nakakatawa do'n Crystal?" Sabi ko sabay abot sa kanya ng bote ng tubig.

"Wala lang, mukhang nilagyan ni Hiro ng hot sauce 'yang sa'yo" Napapikit na lamang ako sa inis at kinuha ko ang burger na binigay niya.

"O teka, sa'n ka pupunta?" Tanong ni Crystal.

"Ibabalik ko sa kaniya 'tong ginawa niya"

Nagdere-deretso akong lumabas ng milktea shop habang dala-dala ang burger na binigay niya sa'kin. Bakit nga ba ako nagtiwala sa lalaking iyon?
Nang makarating ako sa Zhang's burger shop ay padabog kong binuksan ang pintuan nila at may lalaking sumalubong sa'kin.

"Ma'am? Ano pong kailangan niyo? Magdedeliver po ba kayo ng milktea?" Tanong ng lalaking naka apron ng green at may tatak na Zhang's burger.

"Mukha ba 'kong may dalang milktea? Nasaan si Hiro? Tawagin mo siya!" Galit kong sabi. Ilang minuto pa ay lumabas na siya mula sa kitchen at lumapit sa'kin.

Mystery Chasers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon