Kabanata 18

16 1 0
                                    

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. It's already 2:30 pm. May pasok pa ko ng alas tres sa work. Baka malate ako nito. Nagmadali akong iayos ang aking gamit at bumaba nadatnan ko si kuya na nagbabasa ng libro.

"Si papa?" I asked. Binaba naman niya ang kanyang binabasa.

"Nasa kwarto namin at nagpapahinga. Si Sylfer nasa kabila, doon sa friend niyong si Hiro." Nang banggitin niya ang pangalang Hiro ay tinaasan niya ko ng kilay.

"Kuya kung ang iniisip mo ay yung sinabi ng bwisit kong kakambal kaninang umaga, hindi totoo 'yon. Hindi kami nag date, okay?"

"So ano lang?"

"Basta kuya, trust me" sabi ko at umupo sandali sa tabi niya.

"Papasok ka na sa work?" Tumango-tango naman ako sa kanya.

"Mag-iingat ka, Syna. Lalo't gabi ang uwi mo."

"Yes, kuya. Sige na pupuntahan ko pa si Sylfer at Hiro."

"And no boyfriend" napairap nalang ako sa hangin. Seriously? Tingin ba ni kuya may time ako para sa bagay na iyon?

"I need to go, kuya" sabi ko at nagkiss na sa kanya.

Lumabas na ako ng aming unit at nakita ko rin si Sylfer na lumabas mula sa unit ni Hiro.

"Ate? Ang taas ng lagnat ni Hiro"

Parang nanlaki ang mata ko sa narinig ko. Kaninang umaga pa masama ang kanyang pakiramdam. Baka napagod siya kanina kaya lalong lumala ngayon.

"Where is he? Samahan mo 'ko" hinila ko ni Sylfer papasok at dumiretso kami sa kwarto ni Hiro.

Nakita kong nangingig si Hiro sa ginaw. Mukhang mataas nga ang lagnat niya. Lumapit ako doon at umupo sa gilid ng kanyang single bed.

"Anong gagawin natin ate? Tayo lang naman ang meron si Hiro. Tayo lang ang maaasahan niya." Sabi ng kapatid ko na halatang nag-aalala na rin.

"Sabihan mo si kuya at papa about dito. Sila ang mas nakakaalam ng gagawin." I said. Tumango naman siya at lumabas.

Hinipo ko ang noo ni Hiro at sobrang init nga niya. Kahit masama ang pakiramdam niya pinili niya pa ring samahan ako kanina. Siguro hindi na rin muna ko papasok ngayong araw. Sasabihan ko nalang si Crystal. Makikitext ako.

"S-syna" gumalaw siya ng konti at nakapikit niya akong tinawag.

"Hiro, 'wag ka mag-alala sinabi na namin kay papa at kuya. Sila ang mas nakakaalam ng gagawin."

Itinaas ko ang kumot niya dahil nasa bewang lamang ito. Maya-maya pa ay dumating na rin si kuya na may dalang gamot at cool fever.

"Tumabi ka dyan, Syna." Tumayo ako at lumapit si kuya para lagyan ang kanyang noon ng cool fever.

"Kumain ka na ba, Hiro?" Kuya asked him. Pero umiling lang siya.

"You two, you better cook" mabilis naman kaming tumango ni Sylfer at nagpunta sa kusina ng unit ni Hiro.

"Ano kayang pwedeng lutuin dito?" Tanong ni Sylfer at binuksan ang maliit na ref. Nagkatinginan kaming dalawa ng makita namin na tanging itlog at hotdog lang na ilang piraso ang laman nito.

"Siguro kumuha ka nalang ng pwedeng lutuin sa'tin" utos ko sa kanya.

"Alam mo ate, puro ka utos ikaw kaya gumawa?" Inirapan ko na lamang siya.

"Sabihan mo si Crystal na 'di ako makakapasok ngayon sa shop." I said at tumalikod na para kumuha ng pwedeng lutuin sa bahay.

Pag pasok ko ay nakita ko si papa na pababa rin at kagigising lang. I just smiled at him at dumiretso sa'ming ref. Kumuha ako ng panggawa ng soup at lalabas sana ulit nang tawagin ako ni papa.

Mystery Chasers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon