Kabanata 15

20 1 0
                                    

Someone's POV

How did that happen? Paanong nandito siya sa lugar na ito? Napakaliit talaga ng mundo. Ginagamot ko ngayon ang aking sugat sa labi habang pinapatuyo ang aking buhok.

Ano ang relasyon niya sa babaeng iyon? Well, I think that's good. Mas magiging madali ang paghihiganti at pagkilos ko. Thanks to my dad for saving me, years ago.

Kung ako sa kanila, lalo na sa kanya. Mag ingat sila. Danger is coming.

~**~

HIRO

Palabas na ako ng apartment dahil papasok na ako ngayon sa school. Medyo hindi lang nga maganda ang pakiramdam ko dahil nga naulanan kami kahapon. Hindi bale, sabado naman bukas makakapagpahinga ako. Alas-tres pa naman ang pasok ko sa Zhang's.

"Oy pre! Parang matamlay ka ngayon?" Bati ni Sylfer sa'kin na kalalabas lang din kasunod si Syna. Sabay-sabay na kaming lumabas ng gate at naglakad.

"Masama lang pakiramdam ko" I said. Tiningnan naman ako ni Syna at lumapit sakin para hipuin ang aking noo.

"Medyo mainit ka nga, uminom ka ba ng gamot?" She said. Hindi ko alam pero napangiti ako sa tanong niya.

"Concern?" Pang-aasar ng kakambal niya. Tiningnan naman siya ni Syna ng masama at ibinaba na ang kamay niyang idinampi saking noo.

"Dahil kasalanan ko naman din" she said.

Tiningnan ko siya habang naglalakad kami. Nakadiretso lang ang tingin niya sa daan.

"Hindi mo kailangang sisihin 'yong sarili mo, As I've told you papatunayan ko ang sarili ko sayo...sa inyo"

"Huwaaaw! Para kong nanonood ng teleserye!" Sabi ni Sylfer at humarap sa'min. Paatras tuloy siyang naglalakad. Kinalabugan naman siya sa dibdib ni Syna.

"Itigil mo 'yang pang-aasar mo, Sylfer wah!" Asaran nilang magkapatid.

Tumunog naman ang phone ko kaya agad ko itong kinuha. May inaasahan din kasi akong text mula sa importanteng tao.

Magkita tayo ulit sa lugar na pinagtagpuan natin kahapon. 7pm. Doon lang ako free.

Itinago ko na ang aking phone at tinuon nalang ang atensyon sa pag-aasaran ng kambal.

"Saan ka kumain kahapon?" Tanong ni Syna sa kakambal niya.

"Hu! ate, mag-isa lang ako kahapon. Iniwan niyo ako!" Sabi ni Sylfer at nag pout.

"Ha? Hindi ka sinabayan ni Hiro?" Sabi niya at binigyan ako ng tingin na takang taka.

"Oo, hindi ba magkasama kayo?"

"Hindi kami magkasama" sagot ni Syna at hindi inaalis ang tingin sa'kin.

"Ah, may kinatagpo lang ako kahapon kaya 'di na ako nakasabay nang lunch"

"Naku! Wala ka na talagang pag-asa ate. Mukhang may pinopormahan na si Hiro"

"The hell I care?" Sabi niya at tinaasan ng kilay si Sylfer.

"Hindi, kakilala lang 'yong imi-meet ko" paliwanag ko the I smiled at them. Nakita ko naman na tiningnan ako ni Syna na parang nagtataka.

Nang makarating kaming tatlo sa school ay humiwalay na sa'min si Sylfer dahil daw magkikita sila ni Crystal. So, kaming dalawa nalang ni Syna ang magkasabay ngayon.

"You told me na patay na ang magulang mo at kapatid mo, sinong kakilala naman ang kikitain mo later?"

"Huwag ka na magselos---"

Mystery Chasers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon