Kabanata 19

7 1 0
                                    

Two days had passed. Hindi pa rin kaya okay si Dennis? Hindi pa siya umo-order rito sa shop. Hindi ko naman siya mapuntahan sa hospital dahil nagkukumpleto rin ako ng  mga requirements para sa school. Buti nalang din gumaling na si Hiro. Nandoon siya sa Zhang's at nagta-trabaho na ulit.

"Why naman kasi tulala, ha?" Tanong ni Crystal na may halong pang-aasar sakin ni Crystal.

"May iniisip lang ako"

"Mukhang nand'yan  na ang iniisip mo. Ayiiieee"

Pumasok si Hiro at lumapit sa'min. May dala s'yang dalawang burger na may overloaded cheese. Nanlaki naman ang mata ni Crystal at halatang takam na takam.

"For you, girls"

"Wooooooow! Hirooooo! Para sa'min yaaaan???" Tinakpan ko ang tenga ko sa tinis ng boses niya. Tiningnan din siya ng ibang customer sa loob.

"Shut up, Crys! Ngayon ka lang ba nakakita n'yan" I said.

"Hindi, pero ang sweet kasi ni Hiro woooh! Thank you!" Kinuha niya ang para sa kanya at lumayo na muna. Inabot naman ni Hiro ang para sa'kin.

"Kain ka na muna." He said.

"Babayaran ko 'yan, Hiro. Alam ko na kailangan mo rin naman ng pera." I said. Akmang kukunin ko na ang bag ko pero pinigilan niya ko.

"Hindi na, kasi inalagaan niyo naman ako nang may sakit pa 'ko. Kaya tanggapin mo na 'yan."

"Dahil naman sakin kaya----"

"Kainin mo nalang" sabi niya. Napailing ako at kinain nalang ito. Naupo kami sa bakanteng mesa. Nakatingin lang siya sa'kin habang kumakain.

"Kumain ka na ba? Milktea gusto mo?" Alok ko

"Hindi na, kumain naman na ako. Dinala ko lang talaga 'yan. Pa-thank you ko."

"Sabi sa'kin ni Sylfer last time na may hinihintay ka raw dito?" Chismoso rin pala 'tong lalaki na 'to. Nahawa na sa kakambal ko.

"Oo, importanteng tao lang"

"Ay excuse, muna love birds ha?" Sabi ni ate Jinky na lumapit sa'min.

"Ano po 'yon ate?"

"May nag-order kasi sa Laxamana at ni-request na ikaw raw ang magdeliver." Nanlaki ang mata ko sa narinig ko at tumayo bigla.

"Hiro, mamaya nalang ha? Kailangan ko na i-deliver 'yon." Nagmamadali kong sabi. Tumalikod na ako at lumakad ng mabilis para kunin ang mga order. Pero tiningnan ko si Hiro. Himala at hindi siya nagtanong? Ngitian niya lang ako at nag wave. Kinuha ko na ang malaking bag at lumakad palabas. Sinabayan niya naman ako at babalik na siya sa Zhang's.

"Mag iingat ka ha?" Sabi niya. Sumakay naman ako sa pink na scooter na pag mamay-ari nitong shop.

"Yes, I will" at mabilis kong ito pinatakbo. Ang tagal ko ng hinihintay ang pag order ni Dennis. Kailangan na namin gumawa ng plano.

Pagkarating ko sa Laxamana ay may pinirmahan lang ako sa guard at pinapasok din ako. Hinihintay nga raw ako ni Dennis sa Activity Center. Pero sa lawak nito saan ko naman hahanapin iyon? Nang mapasok kami rito sa field at canteen lang naman ang napuntahan namin. Wala rin akong phone para matawagan siya. Magtanong-tanong nalang siguro ako.

*booogsh*

"Oh my gosh!!!!" Nabangga ko ang babaeng may dalang drinks at pagkain at natapon iyon sa damit niya may isa rin siyang kasamahan pang babae.

"I'm sorry! Hindi ko sinasadya."

"Hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo tingnan mo ang nangyari sa kaibigan ko!" Sabi ng babaeng kaibigan nung nabangga ko. Tinapon nya sa mukha ko ang drinks niya.

Mystery Chasers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon