Kabanata 6

15 6 0
                                    

SYNA

"Hiro, halika rito. 'Wag ka munang umalis. Please". Nanghihinang tawag ko sa kanya dahil palabas na siya ng pinto. Humarap siya sa'kin at bumalik ng nakangiti.

"Syna"

"Umupo ka muna Hiro" sabi ko at sumunod naman siya.

"Kung gusto niyo mag-usap lalabas muna kami. Doon lang kami sa labas tawag lang kayo pag may kailangan" sabi ni kuya. Ngitian naman siya ni Hiro. Sabay silang lumabas ni papa at nang makalabas na sila ay tiningnan ko si Hiro at tinawag.

"Hiro"

"Oh?"

"Salamat, ulit"

"Walang anuman, ulit" he chuckled.

"Dalawang beses mo na ako iniligtas samantalang hindi mo naman ako ganoon kakilala"

"Kailangan ba kakilala mo lang ang tutulungan at ililigtas mo?" Ngumiti ako at umiling.

"Ngumingiti ka rin pala?"

"Oo" tipid kong sagot.

"Ah, tara kain tayo? Marami 'to" kinuha niya ang mga nakaplastic na pagkain na nasa lamesa. Nakita ko puro streetfoods pala 'yon. Hindi kasi ako basta-basta kumakain lalo pag di ako tiwala sa tindero.

"Malinis iyan?" Medyo natawa siya sa tanong ko.

"Oo naman? Sinigurado ko na malinis iyan" binigyan niya ko ng isaw at sinawsaw ko iyon sa cup na dala niya.

"Hiro, wala ka bang napansin na kakaiba kahapon sa labas ng simbahan or nakamasid man lang na nakaitim na damit?" Kumunot ang noo niya sa tanong ko at halatang 'di niya naiintindihan.

"Wala naman? Bakit?" Umiling nalang ako at pinagpatuloy ang pagkain ko. Bigla naman bumukas ang pinto at pumasok si kuya at papa.

"Sy, iiwan ka muna namin dito ha? May kailangan lang kaming gawain" sabi ni kuya na halatang may takot sa mga mata.

"Na ano? Teka nga kuya at papa, saan na naman ba kayo pupunta? Kahapon sino ba talaga 'yong tinawagan niyo?sunod-sunod na tanong ko sa kanila. Nagkatinginan naman silang dalawa.

"May emergency kasi anak doon sa pinagtatarabuhan namin. May nangyari lang sa headquarter kailangan kasi kami doon" Nagkatinginan na naman sila ni kuya. Tumango na lamang ako ay hinalikan nila ako sa noo.

"Hiro, this time magtitiwala ako sa'yo take care of her. Huwag mo siya iiwan hanggat wala pa kami o si Sylfer"

"Yes, kuya" Sabi ni Hiro at tapos noon ay umalis na sila. Kinuha ko ang kwek-kwek at kinain ito ng wala sa sarili. Laging umaalis si kuya at papa ng biglaan nakakapagtaka lang.

"Are you okay?" Tumango-tango naman ako sa kanya. Sinubukan ko igalaw ang kaliwang braso ko pero sumakit 'to.

"Aah!!!" Napatayo naman si Hiro at tiningnan ito.

"Huwag mo muna igalaw, Syna. Sariwa pa 'yang sugat mo"

"Kailangan ko na gumaling kaagad may dapat pa akong gawin" Kailangan ko pang alamin kung sino talaga ang nasa likod ng mga krimen na nagyayari rito. YIXZH. Ano ba talaga ang ibig sabihin no'n.

"Magpahinga ka na muna, mamaya ka na lang ulit kumain"

Napabuntong hininga nalang ako. Kailangan ko na rin makalabas talaga rito. Pinikit ko na lamang ang mga mata ko para hindi ko masyadong maisip ang mga bagay na nagpapagulo sa isipan ko. Ilang minuto pa ay nakaramdam na ko ng antok at para bang panandaliaan akong nakatakas sa realidad.

Mystery Chasers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon