Kabanata 14

12 1 0
                                    

Nakabihis na ko at handa ng pumasok sa school. Naupo lang muna ako rito sa higaan ko at nakakatitig sa number na binigay nang lalaking kausap ko kagabi. Hindi man lang siya nagpakilala sakin at itong calling card na 'to? Ewan ko ba? Tanging nickname lang niya ang nakalagay "REN".
"Ate? Tara na!" sigaw ni Sylfer mula sa labas.Itinago ko card na 'yon sa bag ko at lumabas ng kwarto.

"Tara na ate" sabi niya at inilock na ang aming pintuan.

Nakaabang na rin si Hiro labas ng gate. Diretso lang akong lumakad at hindi sila kinakausap. Bigla kong naalala na wala nga pala kong cellphone. Paano ko naman matatawagan si kuya Ren? Napatampal nalang ako sa noo ko.

"Hoy! Ate! Ayos ka lang?" Kunot noong tanong ng kakambal ko.

"Kagabi pa ganyan 'yan" tiningnan ko si Hiro at nilakihan ng mata. Nakita ko naman na napatakip siya ng bibig.

"Bakit? May ano ba?"

"Ah eh, hehe, wala naman pagod lang siya kasi maraming customer kahapon sa kanila. Tama. Iyon nga" kamot ulong sagot ni Hiro.

"Sylf? May load ka ba?" I asked.

"Wala ate, nagtitipid din kasi ko. Hindi natin alam kung kailan babalik sila kuya at papa baka kapusin allowance ko" sabi niya.

Kailan nga kaya babalik sila papa at kuya?
Marami pa kong gustong itanong sa kanila. Hindi pa rin kami nagkakaayos ni papa.

"Ako may load ako, Sy. Sino ba tatawagan mo?" Tanong ni Hiro at inilabas ang kanyang phone.

"K-kaklase ko lang, baka kasi makalimutan iyong project namin" pagmamaang-maangan ko. Pag nakaipon talaga ako bibili ako ng bagong cellphone. Inabot sakin ni Hiro ang kanyang phone at medyo lumayo naman ako sa kanila para kunin iyong number ni kuya Ren.

Kuya Ren, this is Syna. 'Yong babaeng kausap mo kagabi. Pwede po ba tayong magkita mamayang lunch sa cafeteria malapit sa Ordin High. Hihintayin po kita doon.

Pagkasend ko ng message ay biglang nagring ang phone ni Hiro at may tumatawag. Josh ang nakalagay sa screen. Hindi ko na nabura ang message na sinend ko at inabot nalang kay Hiro ang kanyang phone.

"May tumatawag sayo. Pakibura nalang 'yong message ko after mo diyan" I said at inabot niya naman ito. After a couple of minute ibinaba niya na  rin ang tawag.

"Hindi raw muna magbubukas ang Zhang's burger ngayon dahil nga sa nangyari kagabi"

"Ano ba kasing nangyari?" Tanong ni Sylfer.

"Wala, may hindi lang magandang nangyari sa malapit sa pinagtatrabahuhan namin" paliwanag ko.
Hindi na ulit siya nagtanong kaya't nagpatuloy nalang kami sa paglalakad hanggang sa makarating sa school. Sana ay bumilis na ang oras at mag lunch break na. Iyan lamang ang tumatakbo sa isip ko. Humiwalay sa amin si Sylfer dahil papasok na siya sa classroom niya. Kami naman ni Hiro ang sabay.

"May gagawin ka ba mamayang lunch?" Napatigil ako sa paglalakad at tumingin sa kanya.

"Why?" Taas-kilay kong tanong.

"Masamang magtanong?" Sabi niya at ginulo ang buhok ko.

"How dare you! Tagal kong inayos ang buhok ko!" Sinikmuraan ko naman siya at napaatras siya habang tumatawa.

"Pikon ka talaga" sabi niya habang tumatawa.

"Wala kong panahon sa'yo, Hiro!" Irap ko sa kanya at lumakad na ko. Naramdaman ko naman,sumabay siya ulit sa'kin. Inayos ko naman ang buhok kong ginulo niya.

"Sabay tayong kumain mamaya"

"May pupuntahan pa ko kay Sylfer ka nalang sumabay" sabi ko at tumakbo papunta sa classroom.

Mystery Chasers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon