Kabanata 2

30 5 0
                                    

"Thank you, sir! Come again!" Inabot ko ang order ng isang customer namin nag take out. Para sa'n ang papel na iyon? 'Yan ang kanina pa tumatakbo sa isip ko. Ang daming nangyari sa araw na ito. I checked my watch, 8:30 pm na pala at 9 pm mag aout na kami ni Crystal.

"Syna, okay ka lang ba? Kanina ka pa ganyan sa school." Seryosong tanong sakin ng kaibigan ko. Tumango at ngumiti nalang ako sa kanya. Ayoko naman malaman niya ang mga ginagawa ko.

"Hi, girls! Pwede na kayo magbihis nandyan na iyong papalit sa inyo. Ito na iyong sweldo niyo."  Inalis na namin ni Crystal ang cap namin at apron na brown.

"Sige po, salamat ate Jinky!" Sabi ni Crystal at lumakad na kami papunta sa cr. 

Tapos namin magbihis ay lumabas na kami. Tinago ko na ang sweldo ko dahil babaunin ko pa ito. Lumakad na kami papunta sa sakayan ng tricycle dahil ayaw raw maglakad ni Crystal dahil nga sa kumalat na balita sa nangyari kagabi.

"Kuya, sa ornate street lang po ako." Mauuna akong bumaba kay Crystal dahil sa kabilang street pa siya. Pati ako di matahimik sa nanyaring iyon parang may nagtutulak sa'kin para gawin ang isang bagay na hindi naman dapat.

"Hoy! Syna Lashes Madrigal! Parang kanina pa malalim iniisip mo? Ano ba talaga ang problema ha?"

"Wala" matipid kong sagot sa tanong niya.

"Alam kong meron, never kang nagpapalate sa klase tapos kanina nalate ka ng isang subject? Tapos nagtapon ka lang ng basura halos 10 minutes ka na sa labas? And now, tulala ka na naman!"

"Wala, Crys. I'm fine. May mga bagay lang ako na 'di ko maitindihan at bumabagabag sa loob ko."

"Tulad ng ano?" Natanaw ko na malapit na ako sa Ornate.

"Para po, dito nalang. Bye Crystal." Nagwave ako sa kanya pero inirapan lang niya ako. Ayoko naman isali pa siya rito dahil maaring gulo lang ito.

Naglakad na ko papunta sa apartment.
Bukas ang gate nito may hindi na naman nagsara. Dumiretso na ko at kinabig ito dahil baka may tao pa sa labas. Sakto naman pag bukas ko ng pinto ay bumungad ang kapatid kong makulit.

"O ate! Pasalubong ko?"

"Hindi ka na bata, Sylfer!" Dumiretso na ko sa loob at aakyat na sana ako.

"Libre mo ko, ate! Or else..."

"What?"

"Susumbong kita" Tumakbo ako pababa at piningot siya ng madiin. Sa totoo lang nang mga bata pa kami 'di kami naging close dahil nagseselos ako noon dahil siya ang gustong kunin ni daddy kesa sa akin. Pero nang lumaki na ako naintindihan ko naman na lahat.

"Aray!"

"Okay, bukas ililibre kita sa computer shop pag nag computer ka. 2 hours."

"Yon! Kaya mahal kita, ate!" Nagtatalo siya ng parang bata.

"Pero pwede bang dito ka muna 'wag ka muna papasok sa kwarto natin."

"Ha?"

"Bahala ka, 1 hour nalang libre ko sayo."

"Oo na sige basta bilisan mo dahil inaantok na ako."

Tumalikod na ako at tumakbo pataas sa maliit naming kwarto. Mabilis kong kinuha gamit ang panyo ang maskarang napulot ko pati na rin ang itim na papel na nakuha ko kanina at umupo sa kama ko.
Konektado kaya ang mga 'to sa isa't isa?
Anong ibig sabihin ng YIXZH ? Code ba 'to? At yung dragon na nasa maskara alam ko nakita ko na 'to noon. Pinikit ko ang mga mata ko at pilit na inaalala ang lahat. Pero 'di ko maalala kung saan. Niligpit ko nalang muna ang mga ito at tinago sa isang baul na nasa ilalim ng higaan ko at nagbihis.

Mystery Chasers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon