Kabanata 23

8 1 0
                                    

"YIXZH"

Matangkad na lalaki na nakamask din na mata lang ang natatakpan at tanging labi niya lang ang kita ang nakatayo sa harap ko ngayon. Nakita ko ang pagngisi niya at humakbang siya papunta sakin at lumuhod.

"Ms. Syna Lashes Madrigal, are you one of them para makisawsaw ka sa hindi mo naman problema?"

Habang tinitingnan ko ang mga mata labi niya ay napakalakas ng tibok ng puso ko. Familiar talaga sa'kin ang tao sa loob ng maskarang ito.
Tatanggalin ko sana ang mask niya pero mabilis niyang nahawakan ang kamay ko ng mahigpit at tumalim ang tingin niya sa'kin.

"What I don't like at all is the intruder" hinigpitan niya pang lalo ang pagkakahawak sa wrist ko at napapikit ako sa sakit.

"Bitawan mo ko!" Niluwagan niya naman ang kapit sa'kin at pagtayo niya ay hinila niya rin ako patayo.

"Ugh!!!" Napakasakit ng pagkakahila niya sa'kin parang mapuputol yata ang braso ko dahil 'di ko agad naitayo ang aking paa. Bumagsak ang mga tuhod ko muli sa sahig habang ang isang kamay ko ay nakataas dahil hawak niya.

Actually, hindi ako natatakot na baka patayin niya ako. Sakit ang nararamdaman ko ngayon physically dahil sa ginawa niya at sakit emotionally dahil kay kuya. Habang nakaluhod ako ay naramdaman ko ang mainit na liquid sa pisngi ko. I'm crying again.

"He's one your team" I said ng 'di tumitingin sa kanya pero basag ang boses ko dahil hindi ko kayang pigilan ang iyak ko. Binitawan niya ako at napaupo ako ng walang kabuhay-buhay. I looked at him at nakita kong blanko ang emosyon niya.

"Kalaban kayo ng Mystery Chasers hindi ba? Kayo naman talaga ang hinahanap nila. Bakit kailangan na may madamay na iba!? Bakit niyo ginagawa 'to!?" I stare at him and I see no reaction.

"Are you going to kill me now? Hindi ba pinadalhan mo ko ng itim na papel na nakalagay ang mga letrang Y.IX.Z.H? So, ako na ba ang isusunod mo."

I forced myself to stand. Hinahanap ko ang balanse ko pero dahil wala akong matukuran ay bumagsak ako. Bumagsak sa mga braso niya. Sinalo niya ako bago pa man bumagsak patalikod. Pakiramdam ko ay parang tumigil ang mundo sa pagitan naming dalawa. All I can hear is my heart that beats faster.

"I can kill you now if that's what you want" ngumisi siya ng nakakatakot at dahan-dahan akong itinayo pero nakaalalay pa rin sa'kin ang mga braso niya. Nakahawak ang kaliwang kamay niya sa waist ko at isa naman ay sa braso kong kanan. How could a killer shows concern to his predator?

"Hindi ko alam kung bakit hindi ka mahuli-mahuli ng mga Mystery Chasers. Pero ang dali mo lang hanapin. Ilang beses na tayong nagtagpo and I think mukhang ito na ang magigingg huli."

Tinuhod ko ang alaga niya at naging dahilan 'yon para mapaupo siya sa sakit at mamilipit. Kasabay ng pagbasak nya ang pagbasak ko pero mabilis akong gumapang hanggang sa maabot ko ang pader at kumapit ako roon para makatayo. Kahit iika-ika ay pilit kong inabot ang lahat ng switch na makita ko at inilagay ito sa on. I don't know kung para saan ang mga 'yon pero I know na makakatulong ito para malaman ng mga nasa labas na may nangyayaring hindi maganda sa loob. I hope na tama nga ang ginawa ko. I-o-off ko sana ang pinanggalingan ng sound ng may humila sa paa ko at napaupo ako.

"You think you can stop us?" Hinila niya ako dahil nakaupo rin siya at bakas sa mukha niya ang sakit ng ginawa ko sa alaga niya.

"Help!" Sigaw ko ng malakas baka sakaling may makarinig sa'kin mula sa kabila ng secret room na 'to.

"Walang makakarinig sa'yo, Syna Lashes" he said at tumayo siya para kaladkarin ako.

"Bitawan mo ang paa ko!" Sinipa ko siya gamit ang paa kong natapilok pero I guess that's a wrong move dahil napasigaw ako sakit.

Mystery Chasers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon