Chapter Twelve

13.9K 348 125
                                    

"HAHAHAHA" malakas na tumawa si Jez samantalang si ate Niña ay nagpipigil ng tawa.

"Sinabi ko lang naman na di ako maldita. Wala naman ako ibang ibig sabihin. Tsk! Dyan na nga kayo!" nag-galit galitan na lang ako para makalayo sa kanila at makatakas sa kahihiyan.

Naka-dalawang hakbang na ako pa-akyat sa hagdan ng hawakan ni Jez ang kamay ko.

Hindi ko siya nililingon. Nahihiya talaga ako.

"Finish your food. Promise, hindi na ako tatawa. Wala na rin ate Niña oh.." hindi ko pa rin siya iniimik hanggang pilitin niya ako paharapin sa kanya.

"Sorry..." pang-aamo niya sakin. Kinulong nya ang muka ko ng mga palad nya habang tinititigan ako.

Nakatingin lang din ako sakanya, unti unting nawawala ang pagbunsangot sa muka 'ko.

"..my home." dugtong nya.

Unti-unti nyang nilapit sa akin ang muka niya, gahibla na lang ang layo niya ng makita ko syang pumikit. Naduduling na rin ako sa lapit ng muka nya sa muka 'ko kaya napikit na lang rin ako.

Naramdaman ko ang paglapit ng labi nya sa labi 'ko. Napakapit ako sa laylayan ng damit niya dahil pakiramdam ko'y bigla akong nanghina.

Ang halik niya ay punong puno ng pagsuyo at pag-iingat. Tinugon 'ko ito ng buong puso at sinabayan ang ritmo ng nakakaliyong halik niya.

Halos kapusin ako ng hininga ng bahagya syang umagwat.

"Let's eat." aya nya sakin. Hinawakan nya ang kamay 'ko at hinila ako pabalik sa hapag kainan.

Maingat nya akong pinaupo sa pwesto ko bago naupo sa pwesto niya.

Tahimik lang akong nagsimulang kumain.

"From now on, sabay na tayo papasok at uuwi. You get it?" tinitigan ko naman sya, naka-serious face lang sya. "At kotse ko gagamitin natin."

Napangiwi naman ako sa huling sinabi niya.

"Malinis kotse ko, promise." nagtaas pa sya ng kanang kamay na parang nanunumpa.

"Bahala ka." yun na lang sinagot ko sa kanya at nagpatuloy sa pagkain.

"Sabay din tayo mag-lulunch. Bawal ka makipag lunch kung kani-kanino." balewala akong tumango. Wala naman din akong ibang nakakasama mag lunch.

Si Renz lang at nagkakataon lang naman yun.

"Ano pa ba?" humahawak sya sa baba nya na parang nag-iisip pa.

"Ah alam ko na! Sasama ka kung saan ako magpunta at sasama din ako sayo kung saan ka magpunta." masayang turan nya na kinakunot ng noo ko.

"No. Ayuko sa Phoenix at Band practice mo, maingay!" tutol ko sa kanya.

"Bakit? Ayuko din naman sa library, ang boring kaya dun." bwelta niya naman.

"Hindi ko naman sinabi na samahan mo 'ko dun." pangangatwiran ko na kinalabi nya.

"Ah basta! Kung nasaan ka dapat andun ako at ganon ka rin sakin." giit niya. Napairap na lang ako, hindi ako mahilig makipagtalo.

Bakit kasi may pa-rule rule pa sya? Tsk.

                                                                        

Pagkatapos namin kumain ay nag-ayos na ako sa pagpasok namin. Paglabas ko ng bathroom ay naabutan ko syang naka-upo sa bean couch at pinapaki-alaman ang cellphone 'ko.

"Bakit mo ginagalaw yan?" mataray na tanong ko sa kanya. Napatingin naman siya sakin at animo'y natulala.

Tiningnan ko ang sarili ko, naka bathrobe naman ako na abot hanggang ibaba ng tuhod at may tuwalya sa buhok. Maayos ang itsura 'ko.

My Maniac BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon