Chapter 5

100 2 0
                                    

MYSTERIOUS GIRL



Gaea's Pov

Kumakain kami sa cafeteria, ang kaliwa kong kamay ay ginagawa kong paypay dahil mainit yung noodles na kinakain ko. Napailing na lamang ako ng makitang nahihirapan si Saxe lumapit kay Dally dahil nandoon ang mapapangasawa niyang si Trixie. Nung nakaraang araw kase ay nag kalagnat daw ito kaya nakakabwelo si Saxe.

Patuloy lang ako sa pag kain hanggang sa may lumapit sakin, pag tingin ko sakanya ay palagay ko galing siya sa Section F.

"Hmm? Need something?" Nakataas kilay na tanong ko.

Sanay na akong mag taray at umiwas sa mga lalaki at madali nalang sakin ang huwag silang pag tuonan ng pansin. Sa tanang buhay ko minsan lang ako mapaligiran ng lalaki after what happened last year.

"Ahh..Gaea.." panimula niya. May tinignan pa siya bago muling tumingin sakin.

Akmang titignan ko kung sino iyon pero may sinabi ulit siya.

"P-pwede ba tayong lumabas? Treat ko.. kung okay lang sayo?" Parang nahihiya niya pang sabi.

Tinignan ko ang dalawa na nakatingin lang din sa kaharap ko.

"Ano nga pangalan mo?" Taas kilay na tanong ko.

"Ce-jay p-po.." nauutal utal pang sagot niya.

Napabuntong hininga ko.

"Sorry Ce-jay but i can't be with you this weekend may school projects kami and sure naman ako na meron din naman kayo" sabi ko dito at nag patuloy sa pag kain.

"Pero kapag free ka pwede naman kitang ayain pag katapos diba? Sige na.." pag pupumilit niya.

Napapikit ako ng mariin bago siya muling hinarap.

"I said no and that's final." Mariin kong sabi.

"Ay harsh" rinig kong sabi ni Saxe pero halatang namimikon lang ito.

Napairap na lamang ako saka tumayo.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Dally at Aikee.

"Anywhere, i just wanna be alone for a minute" sabi ko sa mga ito at tinalikuran sila.

Nadaanan ko pa si Yesha sa table niya kasama sina Abegail na nakatitig sakin pero hindi ko sila pinansin.

Pumunta ako sa lugar na pinag tatambayan ko dati kapag mainit ang ulo ko or nas-stress.
Sa Arts Room, marami kasi ditong paintings at kadalasan nauubos ko ang oras ko sa pag paint kesa kumain kaya madalas din akong mapag sabihan ng dalawa.

Napabuga ako ng marahas na hangin at nirelax ang sarili, nag lakad lakad ako at pinag masdan ang mga art work ng iba.
Merong sunset, may night sky, meron din galaxy na talagang nakakaakit siyang tignan.

Pero isa lang talagang painting ang nakaagaw ng pansin ko. Ang painting sa dulo. Babae iyon at umiiyak, puro pasa ang katawan niya at katabi nito ang lalaking halatang sinasaktan siya, sa kalahati ng painting board ay may magandang tanawin habang ang babae ay nakaupo sa duyan at malayang nilalanghap ang sariwang hangin.

Base sa painting gusto ng babae na makalaya sa kamay ng asawa o nobyo sa picture. Nakakapag taka lang bakit ganito ang naisip iguhit ng estudyante dito.

I'm about to walk away when i heard someone sniffing and crying. My eyes wined and think it was a ghost at first but then i suddenly see a girl at the corner of the chairs crying and hugging her self.

Unconditional Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now