Chapter 6

93 3 0
                                    

FRIENDS?


Gaea's Pov

Hindi ako makapag focus sa assignments ko dahil kay Bea tsk. Iniisip ko kung saan siya pupunta baka makita siya ni Ken at pag buhatan na naman ng kamay. Dapat kasi hindi siya umalis!

Napatingin ako sa pintuan ng kwarto ng marinig ng may door bell sa gate. Agad akong tumayo at tumungo doon baka si Frioxx iyon, ngayon kase kami gagawa ng school projects.

Pag bukas ko ng gate ay siya nga, nakasandal pa ito sa motor niya habang nakapamulsa.

"Ikaw pala..tara na" sabi ko dito at tumalikod.

Sumunod siya sakin sa loob, dere-deretso lang siyang naupo sa sofa.

"Ikaw lang mag isa?" Tanong nito.

"Yup, nasa ospital si Mommy binabantayan nila Tita Frances yung Mommy ni Aikee." Sabi ko dito at tumungo sa kwarto.

Iniligpit ko ang mga gamit ko at dinala sa sala.

"Nasa ospital? Bakit?" Tanong ulit niya.

"May sa puso siya, pwede ba mag simula na tayo dami mong tanong" sabi ko dito at nag simulang mag buklat ng libro.

Kita ko ang pag iling iling niya at bahagyang pag tawa. Napairap na lamang ako.




Beatrice's Pov

"AHHH! K-ken t-tama naaa!" Sigaw ko habang patuloy sa pag iyak.

Heto na naman siya, sinasaktan ako. Nahuli niya ako kagabing nasa kalsada at tumatakbo sinaktan niya ako kagabi bago matulog at maging ngayon ay kakagising ko lang puro suntok at sabunot na naman inabot ko.

"Put@ng'na ka! Tatakas kapa?! Hindi ka makaka-takas sakin!" Singhal niya saka hinila ang buhok ko upang patayuin ako.

Bigla niyang pinunit ang damit ko at ginawa na naman ang balak niyang angkinin ako.

Lagi nalang ganto, lagi nalang akong nahihirapan.

"Akin kalang Beatrice! Akin!" Lagi niyang sinasabi habang ako naman ay iyak ng iyak lang at hinahayaan na lamang siyang tapusin ang ginagawa niya.

Hindi na siya ang lalaking nakilala ko, ang lalaking minahal ko noon. Nag bago na siya.

"H-hanggang kailan muko g-gag@guhin h-ha!? Hanggang sa m-mamatay a-ahh..ako?!" Utal na sabi ko habang hinihingal at inaalis siya sa ibabaw ko pero wala akong lakas.

"Oo! Dahil akin kalang Bea! Akin kalang!"

I regret walking away from Gaea, dapat sinabi kuna ang tungkol dito pero natakot ako.

"Subukan mong mag sumbong! Papatayin talaga kita! A-akin kalang!! Akin kalang..." Pahina ng pahina ang boses niya saka umiyak ito sa harap ko.

Lagi siyang ganto, paiba iba siya ng ugali. Para siyang baliw---hindi. Baliw na talaga siya.

"Baby? Tara..kain kana.." malambing ang tinig nito lumapit siya sakin pero umiwas ako.

Bigla niya akong sinakal gamit ang kamay niya na parang galit na galit siya sakin.

"K-kenn! /*Cough "

"ANG SABI KO! KUMAIN KA!" sigaw niya sa mukha ko at kinuha ang plato ng pag kain.

Sa pilitan niya akong sinubuan, wala akong nagawa kundi sundin siya.

Unconditional Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now