Chapter 34

44 1 0
                                    

STEP-SISTER












Gaea's Pov

Kanina pa ako tulalang nakatitig kay Frioxx habang nakasandal ang mukha ko sa kamay ko, ginagamit kong pang tukod ang siko ko sa mesa.

Posible ba talagang muli akong mag mahal? And that's Frioxx?
How could it possibly be?

What if I'm just imagining things and that night was just an imagine because of stress of what i have seen yesterday.

"Huy Gaea" pag tapik saakin ni Dally kaya muling bumalik ang diwa ko.

Nag le-lecture si Ma'am at heto ako't tulala lang. Hindi ko kase maexplain yung feelings ko kagabi.

Ano ba Gaea?! Focus!

Sa studies! Not to Frioxx okay?!

Natapos ang lesson at pababa na kami ng hagdan. Ni wala ata akong naintindihan sa sinabi ni Mrs. Anderson dahil sa kalutangan ko ngayong araw.

Biglang may umakbay sakin at bakit lilingon pa? Alam ko namang si Frioxx lang ang nakakagawa niyan ng walang kahirap hirap. Dahil kung iba siguradong namimilipit na sa sakit dahil pipilipitin ko ang kamay ang sino man ang muling humawak saakin.

Pero pag si Frioxx? Ewan ko. Wala eh, tinamaan ata ako.
Nakakat@ngina lang kase nangako ako eh! Huhu nangako ako sa sarili ko!

Pero wala. Nilalabag kuna ata. Dapat na ba akong makulong? O baka naman makukulong ako sa pag mamahal kay Frioxx?

Gosh Gaea hindi kaba kinikilabutan sa sinasabi mo, jeez.

"Gaea dito ka" sabi ni Duke kaya agad naman akong tumabi.

Para hindi na makatabi kay Frioxx kaya ang nangyari ay sa kaliwa ko si Duke at sa kanan ko naman ay si Aikee. Kaharap ko si Frioxx na ngayon ay parang nabad mood at seryoso lang habang kumakain.

Selos ka? Aba bawal yan.. ako nga hindi selosa eh.

Sabi ko sa isip ko kahit alam kong hindi naman niya maririnig.

Habang busy sa pag kain biglang may lumapit kay Frioxx na babae. Mukhang taga section C ito at nahihiya pa siyang iniaabot kay Frioxx ang sulat.

"Pa-p-para sayo Frioxx.." halata ang kaba sakanya.

Maigi kong tinitigan ang sulat na hawak niya. Pinanliitan kupa ng mata si Frioxx kahit hindi naman niya ako nakikita dahil nakatuon ang atensyon nito sa babae.

Subukan mong tanggapin.

Napahigpit ang hawak ko sa tinidor ng makitang kinuha ni Frioxx ang sulat at itinabi pa ito.
Natuwa yung babaeng taga section C at bumalik sa mga friends niya na tuwang tuwa at nag titilian.

Napatingin naman saakin ang lahat dahil sa higpit ng hawak ko sa tinidor.

"G-gaea? Gaea bakit?" Tanong ni Aikee na katabi ko.

"Okay kalang?"  Tanong naman ni Duke.

"Omg Gaea, put down that thing okay? That was nothing, wag kang mag selos" sabi ni Dally patukoy kay Frioxx at ng babae kanina.

Inis kong binitiwan ang tinidor at nilingon siya.

"Hindi ako nag seselos okay?!" Sabi ko rito at umirap.

Hindi naman talaga ano namang pake ko doon sa sulat na iyon? Wala namang nakakainteres doon pero tinanggap pa rin niya. Ano naman makukuha niya dun, hindi naman siya mapapakain non. Walang magandang maidudulot sakanya ang sulat na 'yon. Kaya ganun lang ako mag react, pero hindi ako nag seselos.

Unconditional Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now