Chapter 7

94 3 0
                                    

SAVING BEA



Gaea's Pov

Gabi na ng binisita ko si Mommy  umuwi na si Frioxx.

"Nagising na siya kanina pero pinag pahinga pa rin ng Doctor" sabi ni Tita Siony habang kumakain ng santol.

Napabuntong hininga ako saka lumapit kay Mommy.

"Mom..pagaling ka ah, nandito lang ako.." sabi ko dito saka bahagyang yumuko upang halikan ito sa noo.

"Kumain kana ba, Gaeli?" Tanong ni Tita Frances.

Humarap naman ako sa kanilang dalawa at tumango.

"Opo, mauuna na po ako Tita maaga pa ako bukas eh"

"Mag iingat ka ha, nako gabi na. Umuwi na agad wag na pupunta kung saan, Gaea ha" bilin ni Tita Siony sakin napangiti naman ako at tumango.

"Opo Tita, mauna na po ako. Ingat po kayo dito pag may problema po tumawag kayo sakin"

"Osya sige na at baka mag aayus kami muna dito" sabi ni Tita Frances.

Lumapit ako sakanjlang dalawa saka niyakap bago ako lumabas.




Beatrice's Pov

"Mahal.." napaigtad ako at nagising ng may dumampi sa pisngi ko.

Pag tingin ko ay nakaayos si Ken at halatang aalis.

"Aalis lang ako Mahal..babalik din ako, huwag na huwag kang aalis." Madiin na sabi niya sakin habang nakatutok pa sa ulo ko ang baril.

Agad akong tumango upang hindi siya mairita at hindi ako muling saktan.

Tumango siya sakin at inalis ang baril, hinawakan niya ang mukha ko saka hinalik halikan ako sa buong mukha.

"Matulog kana ulit ha? Nag paalam lang ako Mahal baka madaling araw ako makakauwi. I lock mo ang pinto naiintindihan mo?" Tumango ako dito, muli niya akong pinasadahan ng tingin bago matalim na tumingin sakin.
"Huwag kang tatakas kundi papatayin kita Beatrice." Sabi nito habang tinututok sa sintido ko ang baril.

Napapikit ako ng mariin saka tumango sakanya habang umaagos ang luha mula sa mata ko.

Naramdaman ko ang pag labas niya ng kwarto. Tinanaw ko ang kotse niyang papaalis na saka ako dali daling tumungo sa kabinet.

Kinuha ko ang mga tambak na susi doon at hindi ko alam kung para saan ang mga iyon basta gusto kong buksan ang opisina niya para makagamit ng social media kailangan ko ng tulong pag kakataon kuna ito.

Agad kong kinuha ang kaha ng mga susi saka dahan dahang lumabas ng kwarto. Delikadong makita ako ng mga maids dahil awtomatikong tatawagan nila si Ken lalo na ang mga guards sa labas ng bahay.

Malapit na ako sa opisina niya ng biglang nakasalubong ko ang isang maid, natigilan muna ito ng makita ako bago dali daling nag lakad. Nanlaki ang mata ko ng makitang patungo siya sa telepono kaya agad akong tumakbo kahit masakit ang mga binti ko sa kakabugbog.

"Wag!" Pasigaw na bulong ko dahil baka may iba pang makarinig.

Nag di-dial na siya ng bigla ko itong hinablot at hinila ang buhok niya. Ni hindi kuna alam ang ginagawa ko basta disperado na akong makatakas ngayon sawang sawa na ako sa pang aapi nila lalo na si Ken!

Unconditional Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now