Chapter 51

55 2 0
                                    

THE FATHER





Gaea's Pov

Tahimik akong nakaupo sa kama habang panay ang scroll sa Facebook. Kung ano lang ang mapag kakaalabahan doon dahil sobrang boring ngayong araw ng sabado. Wala akong maisip gawin kundi kumain, mag cellphone, mag basa ng libro, matulog.

Ilang sandali pa ay nakarinig ako ng busena sa labas kaya napatayo ako at lumabas ng kwarto. Tinignan ko si Mommy sa kwarto ngunit tulog ito. Si Bea kasi umalis muna dahil bibisitahin yung kaibigan niya.

Nag kibit balikat ako at binuksan ang pinto. Tinanaw ko ang kotse sa labas ng gate namin at nakita ko ang isang kotse.. medyo pamilyar iyon saakin kaya naman lumakad ako upang buksan ang gate.

Bumungad saakin ang isang matangkad na lalaki na nakasandal sa kotse nito habang nakatingin saakin.

"A-anong ginagawa mo dito?" Tanong ko kay Yxei.

"Checking on you.." aniya. "Looks like you're having a good relationship with my sister" he smiled but i know it's fake.

"S-so ano naman? Hindi ba inaway mo ako? Bakit ka nandito? Para sabihin na layuan ko yung kapatid mo?! Ganyan ka ba ka-selfish!? Inagaw niyo na nga si Daddy! Pati ba naman ang step-sister ko aalisin mupa si Yesha?!"  Galit na singhal ko sakanya.

Minsan na nga lang ako humiling na sana talaga mayroon din akong kapatid kahit papano.. tatanggapin ko naman e, hindi ko lang talaga natanggap dati na may kapatid nga ako pero sa ama. Pero ngayon tinatanggap kuna man na eh.. tinatanggap kuna kaya bakit parang inaagaw ulit saakin iyon?

"Tss. I'm just came here to brought you this.." sabi nito at may inaabot saakin na paper bag.

Tinignan ko muna ito bago tanggapin at kinuha ang nasa loob niyon. Maliit lang ang paper bag kaya malamang maliit din ang nasa loob. Ng makuha ko iyon alam kong kahon siya na pahaba.. kulay pink ito at may ribbon na itim.

"A-ano 'to?" I asked him.

I confusedly open the box. Bumungad saakin ang isang mamahalin na kwintas at bracelet.
Agad akong umangat ng tingin sakanya habang nakakunot ang noo.

"What's this? Para saan?"

"Hindi na ako mag papaligoy-ligoy pa. Sasabihin kuna kung bakit ako nandito." Huminga siyang malalim na para bang napipilitan sa ginagawa niya. "I'm here to say sorry because of what i did. I'm here to give you that gift... From Dad." Dahil doon nagulat ako. "Malapit na daw ang birthday mo.. And for saying sorry and advance happy birthday he gave you that." Aniya at bored akong tinignan. "Pumunta ka rin daw sa bahay namin mamaya.. to have a dinner with us"

Buti pa sila alam yung birthday ko samantalang ako nakalimutan kong malapit na nga pala iyon.

Pinaningkitan ko ito ng mata. "Saying sorry to me huh? Talaga ba? Hindi kase halatang seryoso ka eh... Kuya"

[A/N: Hindi anak ni Henry si Yxei. Actually mag kapatid si Yesha at Yxei sa ina. Ang tumayong ama na ni Yxei ay si Henry nung panahon na nag hiwalay sila ni Luciana. Kaya Kuya nila si Yxei kase matanda ito sakanila ng tatlong taon]

"Tss. I'm serious. Look I'm sorry okay? Sorry for being mean.. sorry for what I've said to you.." sabi nito.. this time mukhang seryoso talaga siya.

Tinaasan ko siya ng kilay bago tumawa at tumango. "Okay fine. Since ayaw ko ng may kaaway at sama ng loob.. apology accepted." Sabi ko rito at ngumiti.

"So... Payag kanang makipag usap kay Daddy?" He asked.

Umiwas ako ng tingin..

Wala naman atang masama hindi ba? Kung si Frioxx nga ay ipinipilit kong makipag ayos sa Mommy niya bakit ako ngayon ay hindi ko magawa? Now i know how he feels nung time na tinutulak ko siyang makipag usap. It's so damn hurt... Masakit dahil yung taong hindi mo nakita ng ilang years at may kasalanan sayo, ay kakausapin mo na parang wala lang.. sobrang hirap non.

Unconditional Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now