Chapter 43

41 1 0
                                    

THE EX AND THE GIRLFRIEND





Gaea's Pov

Nag lalakad lakad kami ni Frioxx ngayon sa dalampasigan. Kaninang mga 2-3 PM ay nag ikot kami sa mga restaurants dito at mga sea food nila.

3:45 PM na at mag kahawak kamay kaming nag lalakad habang dinadama ang simoy ng hangin sa dagat, hampas ng alon at kaunting sinag ng araw na ngayon ay papalubog na.

"Ang ganda dito diba" sabi ni Frioxx.

Tumango naman ako sakanya at ngumiti. "Bakit nga pala naisip mong dito tayo pumunta?"

"Wala naman.. namiss ko lang dito" sabi nito kaya nilingon ko siya. "Nung 9 years old kase ako dito ang huling bonding namin ni Mommy kasama si Lolo Dad."

Napayuko ako. "G-ganun ba.. nasaan na ngayon ang Mommy at Lolo mo?"

Umiling siya sakin at inakbayan ako. "I don't know.. iniwan ako ni Mommy kay Dad. Si Lolo naman ang alam ko ay nasa probinsya, malay natin nandoon si Mommy."

Bumuntong hininga ako. "Sorry.. pero hindi ba kayo close ng Daddy mo?"

"Hindi. Sinubukan ko naman dahil gusto kong mapalapit sakanya kaso mas paborito niya si Felip. Yung totoong anak niya, anak kase ako sa labas. Tapos mahirap lang din si Mommy"

Napayuko ako. Wala akong masagot sakanya. Kung tutuosin pala maswerte ako sakanya dahil meron akong nanay na nag mamahal saakin kahit iniwan kami ni Daddy. Meron akong mga mabubuting kaibigan at Tita. Samantalang siya ay wala na ngang nanay hindi pa pinapansin ng tatay niya maging mga kapatid niya.

Humarap ako sakanya at ngumiti. "Gusto mo ba makita ang Mommy at Lolo mo? Puntahan natin sila Frioxx, hanapin natin"

Umiling siya sakin at hinawakan ang mag kabilang balikat ko. "Baby.. I'd tried but... Hindi ko sila nahanap eh"

"Eh wala namang masama kung susubukan natin ulit Frioxx."

Ngumiti siya saakin. "Masaya naman na akong nandito ka eh"

Tumawa ako saka mahina siyang hinampas. "Talaga lang ha"

"Oo kaya.."

"Weh?"

Tumawa siya saakin. "Ah hindi ka naniniwala?" Panunukso nito sabay kiliti sa tagiliran ko.

"Hahaha Frioxx! Tumigil ka.."

Lumapit ito sa tubig saka sinabuyan ako. Natawa siya ng tinignan ko ito ng masama.

"Tumigil ka."

"C'mon, let's swim baby" sabi ni Frioxx at lumapit saakin pero umiling ako.

"Ihh ayoko"

"Why? Tara na sulitin na natin habang kunti lang ang tao ngayon"

"Hindi naman ako marunong lumangoy"  I pout but he just chuckled.

Sa huli ay nahila niya pa rin ako para maligo. Nung una ay hinahayaan ko lang na mag kahiwalay kami pero ng umabot ito sa balikat ay agad akong yumakap sakanya.

"Okay lang yan.." sabi nito saakin, akmang bibitawan ako pero umiling ako at mas lalong yumakap sakanya.

We stayed in that position in 20 minutes then we faces each other. He cupped my face then i welcomed his lips.

We stayed in that position and enjoy the moment just the two of us. Under the sunset.

Humiwalay kami sa isa't isa at nag habol ng hininga. We smiled at each other then we enjoyed swimming.

Unconditional Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now