Chapter 53

80 1 0
                                    

THE RING






Gaea's Pov


It's 9:34 P.M. and were still enjoying my birthday. I'm watching the stars and moon under the tree. But I'm not alone.. I'm with my man, leaning my head on his shoulder while he's hugging me at my back.

"Do you like it?" He asked.

Nilingon ko siya at natatawang tumango. "Bakit naman hindi? Sobra-sobra na ito.. I do really appreciate it, Baby"

He smiled at me. Muli namin tinignan ang mga kaibigan namin at pamilya namin na masayang nag ke-kwentuhan at nag kukulitan.

"Hey love birds! Dito na kayo, mag celebrate tayo" pag tawag saamin ni Saxe.

Napailing si Frioxx at tumawa. "Pag ikaw hindi nakauwi mamaya 'wag kang umasang ihahatid kita"

"Grabe 'to, walang malasakit sa kaibigan niya"

"Haha biro lang"

Natawa ako sa biruan ng dalawa saka napalingon kay Yesha na kumakaway saakin. Nag paalam ako kay Frioxx bago lumapit sakanya.

"Bakit?"

"Uuwi na kami ah? Si Kuya kase oh.. lasing na" sabi nito habang inaalalayan si Kuya Yxei.

"Napadami ang inom e" sabi naman ni Daddy.

Tumango ako sakanila. "Sige, mag iingat kayo ah.."

"Happy birthday again my Princess" sabi ni Daddy at niyakap ako.

I hugged him back and smiled. "Thank you, Dad."

Nag paalam na sila saamin. Sunod niyon si Lexxiana, Sharlene at Louie. Ng medyo tumagal ay nag paalam na si Duke at Trixie. Nauna na rin sina Mommy kasama si Bea, Tita Frances, Tita Siony at Tita Valerie.

"Oh kaya pa ba niyan?"  Natatawang tanong ni Aikee habang nakatingin kay Dally na inaalalayan si Saxe na tumayo.

"Eh kung tulungan kaya ninyo ako?! Nahihirapan na ako oh--FRIOXX, STEVE! ANO BA?!" Sigaw niya.

Pag si Dally talaga inaabot ng topak walang pakialam kung anong oras na. Kami nalang ang tao rito at ang ingay niya kahit malapit na mag hating gabi.

Tumawa ang dalawa saka tumayo at tinulungan si Dally. Inis na umalis si Dally at tumabi saakin.

"Oh? Bakit ganyan itsura mo? Hahaha" natatawang tanong ko rito.

"Napaka baba ng alcohol tolerance niya samantalang yung girlfriend niya hindi." Sabi nito.

Napangiti ako ngunit sa gitna niyon ay nag taka ako sa sinabi niya.

"Girl friend? You mean... Kayo na?!" Gulat na tanong ko pero masaya.

"Shh!" Agad nitong tinakpan ang bibig ko.

"Hoy ano yung narinig ko?" Tanong ni Aikee.

"W-wala!" Si Dally.

"Sus! Alam na namin na kayo na ni Saxe, wag muna itago!" Sabi naman ni Steve.

Natawa ako sakanya at tinapik ang balikat nito. "Now we already know huwag kanang mahiya" natatawang sabi ko rito.

"Tse"  iniripan ako nito kaya lalo akong natawa.

"Tinatarayan mo ako ah, akala mo ba nakalimutan kuna yung ginawa niyo saakin kanina ha?" Natatawang sabi ko rito saka pabirong tinignan ng masama si Dally.

Unconditional Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now