Chapter 32

39 1 0
                                    

STEP-SIS?













Gaea's Pov

Dinala muna si Trixie sa office ni Ma'am Anderson. Kasama na rin si Saxe.

Pag pababa ng hagdan ay hindi na ako nag pakarga kay Frioxx, nakakahiya na masyado. Hinayaan ko siyang alalayan ako hanggang sa makababa na kami sa ground floor.

Si Lexxiana ay hindi matigil sa pangungulit saakin.

"Grabe ang galing ng mga sinabi mo Gaea! Ang akala ko hindi kalang iimik kase masakit pa hita mo pero ikaw pala makakapag pababa kay Trixie. Alam mo, madami na kaming utang na loob sayo.. pati kasi kami ni Louie tingin namin nag kaayos kami dahil sayo"  sabi niya sakin habang nakangiti.

Nakangiti ko siyang hinarap.
"Lexxy.. ginusto niyong mag kaayos kaya nangyari yun.. maaaring naging tulay lang kami para tumulong sainyo, pero kayo may gusto non..kahit naman na gumawa kami ng paraan, kung ayaw niyo wala namang mangyayari hindi ba?" Sabi ko dito at ngumiti.

Napakurap kurap siya at ngumiti ng malapad.

"Paano mo nagagawang mag isip ng ganyan?"

"Sinasabi ko lang kung anong nasa utak ko at opinyon ko."

"Can you just stop talking?" Sumingit si Frioxx sa usapan. Nakakunot ang noo nito. "Mas lalo akong nahuhulog sayo kaya tumigil kana lang" sabi nito pero halata sa tono ng boses na nag bibiro siya.

Nag bibiro lang..

Natawa na lamang kami ni Lexxy at saka sumabay sa pag lalakad.

Pag karating namin sa room pinakopya na lang kami ni Mrs. Anderson dahil busy ito sa pag paliwanag sa nangyari kanina kay Trixie.

Wala akong ibang magawa kaya sinunod ko nalang ang pinapagawa nito. Minsan hindi ko mapigilang hindi sumulyap sa gawi ni Frioxx.

Hindi siya gumagawa at nakasandal lang ang siko nito sa table, sinasalo ng kamay ang pisngi at nakatingin saakin.

Medyo naiilang ako kaya minsan namamali mali ang sinusulat ko.

Ano bang problema ng lalaking 'to? Kanina pa siya diyan.. psh

Pinilit kong ituon ang atensyon sa ginagawa hanggang sa hindi ko namalayang nagawa kong tapusin iyon lahat ng nasa kanya pa rin ang utak ko.

Siya ang iniisip at iniintindi ko habang nag ko-kopya and what a surprise i finished it. Psh.

Ng dumating na si Mrs. Anderson saktong pinauwi na kami dahil natagalan din siguro doon sa principals office.

Palabas na kami ng room ng biglang may bumunggo saakin.
Sinadya iyon alam ko dahil malawak ang lakaran sa side ko.

Napagtanto kong si Yesha ito. Lumapit siya saakin at ngumisi.

"Next time you flirt with my brother I'll assure you, you'll be the famous one than me." Sabi niya saakin at itinaas ang isang kamay, hawak ang isang pictures..

Pictures namin ni Yxei sa Ice cream shop, sa Casino Bar at ng sa mall na nahuli niya kami.

Wtf... Sino naman ang kumuha ng litrato na 'to?!

Gulat ko siyang tinignan. Akmang aagawin ko iyon ng iniwas niya agad ang kamay at itinago iyon.

"So avoid him. Stay away from my brother do you understand?" Sabi nito habang nakataas kilay.

Unconditional Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now