Chapter 28

42 1 0
                                    

WARNING












Gaea's Pov

"Fine! I like to her! I like Gaea!"

Napapikit ako ng mariin. Hindi maalis sa isip ko ang mga narinig ko kanina, kaya pala sinama ako ni Steve sa taas.

Ni hindi man lang ako nakita ni Frioxx na nasa likod lang ako ni Steve.

Totoo ba 'yon? Totoo bang gusto niya ako?

"Arghh" napayakap ako sa unan at pilit pinapatulog ang sarili.

Napatingala ako sa kisame when i realized something. Oo nga pala Saturday bukas may dalawa akong araw para kalimutan yung mga sinabi niya.

Tama tama..

Huminga ako ng malalim at pilit pinakalma ang sarili.

"Just let me, let me like you.."

"Arghh!!!" Inis kong hinagis ang unan ko at napaupo. "Let me sleep you monkey! Aishhh. Kainis kang tukmol ka"

Padabog akong lumabas ng kwarto para uminom ng tubig.

Salubong pa ang kilay kong nag lalakad sa pasilyo papunta sa kusina ng biglang may sumulpot sa harap ko.

"Ay diyos ko iligtas mu'ko may asawang!" Bigla kong bulalas sa gulat.

Nakarinig ako ng nabasag na baso kaya hindi ako gumalaw, mahirap na madilim pa naman baka mabubog pa ako, aish.

"G-gaea naman! Si Beatrice 'to noh" agad kong nakilala ito.

Tinignan ko siyang mabuti at bahagyang natawa.

"Hehehe sorry ikaw pala yan.."

Mabuti nalang at may dala siyang flashlight, agad siyang nag tungo sa switch at pinailaw ang kusina. Inasikaso namin ang baso na nabasag.

Pag katapos non ay niyaya ko siyang mag midnight snack dahil nagugutom din naman ako. 1 o'clock na pero gising pa ako.

"So bakit gising kapa?" Tanong niya sakin.

"Hindi makatulog syempre, hindi ba obvious?"

"May iniisip ka noh?"

"Ahm..meron.." napayuko ako.

"Nako nako nako, siguro lalaki yan. Hayss Gaea alam kuna yan, huwag ka mag tago sakin sino ba yang nag papagulo ng isip mo, huh?" Tanong ni Beatrice, halatang gusto niyang malaman.

"Si Frioxx.."

"OMG!!---pero bakit siya?" Kaagadang tanong niya.

"Ewan.. he just confessed to me earlier. That was unexpected confession from him, I didn't noticed he fell for me.."

"O..M..G.. HAHAHA naging crush ko kaya yan dati si Frioxx tapos ikaw parang binabalewala mo lang, kung ako sayo hindi nako mag papaligaw, sasagutin kuna agad." Sabi nito at nilantakan ang Chips.

Hindi makapaniwala ko siyang tinignan. Grabe 'to, kaya din siguro napapahamak 'to eh.

"Psh. Hindi ko siya type, hindi ako mag bo-boyfriend ulit at higit sa lahat hindi ko siya magugustuhan" sabi ko sakanya.

Tumawa siya.

"Gaea...hindi masamang mag mahal ulit, hindi masamang buksan ulit yung puso mo. Kahit ano pang nagawa ng ibang tao sayo, kahit ano pang kasalanan na nagawa sayo, kahit ano pa man yan...mas pililiin pa rin natin ang mag mahal." Sabi nito habang nakatingin sa kawalan.

Unconditional Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now