Chapter 23

50 2 0
                                    

MANSION



Gaea's Pov

Natapos ang ilang subjects ng marinig naming mag ring ang school bell. Lunch time at sabay-sabay kaming kakain pero hindi ko pa din pinapansin si Steve.

Panay pa rin ang hanap nito ng paraan para makausap ako pero iniiwasan ko siya. Mas tinuon ko ang pansin kay Frioxx na siya namang nangungulit din saakin.
Yun lang ang way na makalayo sa isang kumag na 'yon.

"Hmm? Sabay tayo kumain?" Tanong ni Frioxx gamit ang malambing na tono ng boses nito.

Bakit parang sinasamantala naman yata ng kumag na 'to?

Pero hayaan na..sumabay nalang ako sa trip niya.

"Mm..sige" nakangiting pag sang-ayon ko.

Nag sitayuan na kami upang lumabas ng room. Kasabay ko si Frioxx habang sina Aikee at Dally ay nasa likod namin.

Bigla na lamang may humawak sa braso ko at hinila ako papalayo doon.

"Bakit?" Tanong ko kay Aikee at Dally na siyang humila sakin.

"Nasisiraan kana ba? Akala ko ba kahit anong pag yaya sayo ng mga lalaki ayaw mo? Bakit parang nakakalimutan muna ata 'yon Gaea?" Inis na tanong ni Dally.

Tinignan siya ni Aikee ng may pag tataka.

"Akala ko ba hinila natin siya para saatin siya sumabay? Dally, walang masama kung sasama din siya paminsan minsan sa lalaki.."

Inis siyang tinignan ni Dally.

"Alam ko naman 'yon pero diba nangako siya satin"

"Hindi habang buhay magiging ganito si Gaea. Alam naman natin na posible pa din siyang mainlove, Dally!"

Napahawak na lamang ako sa ulo at pagod na tinignan silang dalawa.

"Guys..shh stop na. Ike-kwento ko sainyo mamaya---"

"Whatever. I don't want to hear those anyway" umirap si Dally.

Napayuko ako. I know she's still mad at me.

~~

In the end sumama pa din ako kay Frioxx mag lunch sa labas. Ang taray ah ngayon lang ulit may nag yaya sakin lumabas.

Tsaka ngayon lang naman, mahirap tumanggi sa grasya lalo na't libre.

"Tapos kana?" Tanong nito saakin ng mapansing marami na akong nainom na tubig.

Naubos ko na rin ang pag kain sa plato ko.

Halata naman diba? Kailangan pa tanungin? Choss.

"Oo..ang sarap pala ng pag kain dito" sabi ko at bahagyang tumawa.

Ilang sandali pa ay nag salita siya.

"So tell me...bakit mo iniiwasan si Steve?"

Nagulat ako sa tanong nito. Paano niya nalaman o nahalata iyon?

"Paano?..."

"Just tell me." Sabi niya.

Napabuntong hininga ako. Hindi ko naman talaga gustong iwasan siya pero parang ganun na nga--ay ano ba yan Gaea ang labo mo naman.

Pero basta ganun na yon iiwasan ko muna siya dahil nabuking ko siya kagabi.

"Okay. Nag sinungaling siya sakin okay? Sinabi niya na kailangan namin mag panggap na may relasyon kami. Sabi ko kunwari ligawan niya muna ako para hindi halata. Ang kaso nga lang nabuking ko siya kagabi, hindi pala totoong may pinapaselos kami, kase hindi nga naman niya sinasabi kung sino 'yon.." sabi ko dito. Mukhang na-satisfy naman siya sa sinabi ko kaya natahimik ito.

Unconditional Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now