Prologue

390 10 0
                                    

"AHHHH! AYOKO NA!" labis ang hinanakit ng dalaga dahil sa nalaman niya.

Niloko siya ng kanyang kasintahan na nangako pa sakanyang hinding hindi siya iiwan. Hindi siya maka-paniwala na nagawa sakanya iyon ng lalaki kahit alam naman nito kung ilang beses na siyang nabigo sa pag ibig.

Tulala siya at lutang na nag papaulan habang ang lakas ng kidlat at kulog, wala siyang pake sa mga tao sa kalsada at sa mga sasakyan kung mabunggo man siya.

Patuloy ang pag agos ng luha mula sa mga mata niya, hindi niya mawari kung kelan ito titigil basta ang alam niya ay nasasaktan siya sa nangyari.


FLASHBACK-

Papunta si Gaea sa bookstore upang bumili ng mga libro, malamang ano nga ba ang gagawin niya sa bookstore kung hindi siya bibili ng libro.

Agad siyang nag ikot ikot upang humanap ng magandang babasahin. Bigla niyang natabig ang isang libro medyo may kalakihan ito at hindi kaakit akit basahin, pinulot niya iyon dahil baka mapagalitan siya sa pag galaw sa mga ito.

Tinignan niya ang likod ng libro meron doon description sa kwento.

Binasa niya iyon at nalibang siya naawa siya sa babaeng bida na niloko ng boy friend niya. Bigla na lamang niyang naalala ang kasintahan niya.

Pero mabilis siyang umiling at kinumbinsi ang sarili.

"Hindi ako lolokohin ni Sam" sabi nito at inilagay muli sa lagayan ang libro.

Maganda sana ang kwento ngunit napaka seryoso naman at napaka-lungkot.

Naisipan niyang tawagan ang kasintahan niya ngunit out of coverage ito.

"Ano na naman kaya ginagawa nito?" Tanong niya sa sarili bago binayaran ang librong binili niya.

Pag labas niya ng shop natigilan siya ng makita ang isang lalaki, naka akbay ito sa isang magandang babae saka sila sumakay ng kotse.

'teka si Sam yon ah' sambit niya sa kanyang isipan.

Agad siyang pumara ng taxi upang sundan ito, malalagot talaga sakanya ang lalaki pag nag kataon. Naalala niya ang kwentong nabasa niya kanina. Inalis na siya isip ang bagay na iyon at nirelax ang sarili.

Mas lalo siyang kinabahan at nasasaktan nung sa hotel ito nag tungo.

Agad niyang binayaran ang taxi driver at bumaba, nag tago muna siya bago sila muling sinundan ngunit may humarang sakanya.

"Ah miss kukuha din ba kayo ng room?" Tanong sakanya ng isang babae doon

"Miss pwede ba malaman ang number ng room nung babae at lalaki kanina?" Tanong niya dito.

Bahagyang nag taka ang babae.
"Bakit gusto niyo po'ng malaman?" Tanong nito sakanya.

Napakamot ulo siya, ang hirap naman kausapin ng babaeng to.

"Basta kakilala ko yung lalaki may emergency sa bahay nila"

"Gusto mo bang tawagan namin ang room nila?--"

"Wag na! Ano ba Miss ibigay niyo nalang ang number ng kwarto nila!" Nainis ang dalaga sa pag kainip.

Baka kase may magawa na ang dalawa sa loob ng kwarto kay tagal ng babaeng ito gustong gusto niya na sampalin para kasing nag du-duda ito sakanya.

"Room 156"

Pag kasabi sakanya non hindi na siya nag pasalamat pa hindi niya inintindi ang pag paparinig sakanya nito.

Unconditional Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now