Chapter 39

50 1 0
                                    

CELEBRATION





Gaea's Pov

Natupad nga ang gusto kong bumili ng gummies dahil mga sampung garapon ng gummy worms ang ibinili saakin ni Frioxx kapalit ng pag tawag saakin ng baby gummy niya. Ewan ko doon kung ano ano naiisip.

Habang nag le-lecture si Ma'am ay pasimple akong kumakain ng binili saakin ni Frioxx. Tuwang tuwa ako habang siya ay bawat subo ko at mahuhuli ako ni Ma'am ay pinanlalakihan ako ng mata.

Ang tapang ko diba, habang yung boy friend ko nag aalala na dahil baka mahuli ako.

"Gaea stop it now." Bulong niya.

Hindi ko siya pinakinggan kaya napahawak na lamang siya sa sintido at hinayaan ako habang natatawa.

Natapos naman ang klase namin ng matiwasay at hindi ako nahuhuli. Mabuti nalang at sa next subject si Duke ang katabi ko kaso ang g@go nakikihingi din.

"Gaea.. mauna kanang umuwi ha, may bibilhin lang ako okay?" Sabi ni Frioxx habang nakahawak sa mag kabilang balikat ko.

Tumango naman ako sakanya kaya ngumiti siya saakin at humalik sa pisngi bago pinaharurot ang motor nito.

"Gaea pwede ba tayong mag usap?" Tanong ni Steve na nakalapit na pala saakin..

Sa una ay nag aalangan ako pero naalala kong dapat nga pala talaga na kausapin ko si Steve. Para na din maayos ang pag kakaibigan naming lahat.

Tumango ako at sumunod sakanya. Pinapasok niya ako sa kotse niya at tahimik lang akong naupo doon.

Sandalinh katahimikan ang namayani sa pagitan namin bago siya nag salita.

"Since kayo na pala ni Frioxx.." matabang siyang tumawa. "Ano pang magagawa ko? Tsk. Si Frioxx tahimik lang pero ang dali kang nakuha hahaha.."

Napayuko ako at pinakinggan ang mga sasabihin niya.

"Gaea I do really like you but, If you do like my friend? Mag papaubaya ako"

Napaangat ako ng tingin sakanya at pinag masdan ito. Halatang seryoso siya sa sinasabi.

"Gaea.. kaibigan ko si Frioxx at naging kaibigan din kita kaya the best way to do is to move on i guess? Pinag isipan kuna ito and it's useless kung aagawin kita sakanya" natawa siya at tinignan ako.

"I'm happy that you're already okay with it Steve.."

"Yes, at huwag kang mahihiya o mag dadalawang isip lumapit saakin kapag sinaktan ka niya huh?"

Natawa ako sakanya at napailing na lamang. Tumawa din siya at lumapit saakin upang yakapin ako.

"Well.. bumaba kana dahil baka mahuli pa tayo ni Frioxx. Don't you know na seloso yon?"

"No..haha"

Bumaba ako sa kotse ni Steve at ganoon din siya. Bigla akong nakarinig ng yabag papalapit saakin kaya nilingon ko ito at hindi ako nag kamali na si Frioxx iyon.

"Anong ginagawa mo kay Gaea?" Inis na tanong ni Frioxx at hinawakan ang kamay ko.

Tumawa si Steve at nagawa pang sumandal sa kotse habang mapang asar na tinignan si Frioxx.

"Relax Salvador, kinausap ko lang siya. Mag papaubaya na nga ako diba, I'm handsome enough to find another girl tsk." Nag papogi pa ito saka tumawa.

Natawa na rin ako maging si Frioxx at napailing.

"Leche ka Steve.. parehong babae pa nagustuhan natin, ayus ah.." ani Frioxx saka lumapit sa kaibigan at yumakap.
"Thanks bud"

Unconditional Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now