Chapter 33

39 1 0
                                    

THE PASSIONATE KISS





Gaea's Pov

Ilang minuto kaming tahimik habang nakatingin sa magandang tanawin. Naupo kami sa ilalim ng puno at pinagmasdan ang mga ilaw na nag mula sa syudad. Ang bituwin sa langit at sinag ng buwan.

"Hmm.. so tell me, why did you leave like that? You look like you're mad...what happened?"
Maya maya'y tanong nito.

Tinignan ko siya at napakagat labi bago nag salita.

"Nakita ko si Yesha, kasama si Daddy kanina. Alam kong clueless kayo dahil hindi pa ninyo nakita si Daddy. Hindi naman nila alam ang nangyari. I'm sure naman hindi mo nakita masyado si Dad." Sabi ko sakanya at napabuntong hininga.

Huminga siya ng malalim bago inabot ang kamay ko at hinawakan iyon.

"Gaea.. I know how it feels. Pakiramdam mo inagawan ka ng mundo, inagawan ka ng tatay, inagawan ka ng karapatan maramdaman ang aruga ng isang ama. Alam ko ang bagay na yon.." napatitig ako sakanya at pilit na ngumiti.

"Salamat.."

Iniangat niya ang kamay ko at hinalikan ito.

He's eyes is full of admiration, attraction and... Love?

"Maganda ka Gaea, mabait, may mabuting puso, matalino.. how could they be so mean to you and left you alone like this..." Nakatingin siya sa mukha ko habang hinahawi nito ang buhok ko papunta sa likuran ng tenga ko. "If only i could make you mine..." Bulong nito.

"A-ano?"

Sandali siyang napatigil at tumitig sa mga mata ko.

"No. What if i make you mine?" He said. Full of hope and determination.

"What are you saying, Frioxx?" I ask confusedly.

"Ang buong akala ko hindi na ako muling iibig. Tulad mo naging matigas ako pag dating sa pag ibig ngunit nung dumating ka... Parang nawala lahat, parang bumalik ang dating ako. Gaea, anong ginagawa mo saakin?"

Parang gulong gulo siya. Hindi ko malaman ang ekspresyon niya. Masaya, naiiyak, humahanga.
Pero kahit ganon, napangiti ako.

Someone actually loves me despite of my cold attitude, my bad attitude towards him.

"Oh, now your smiling.." sabi niya na nag pabalik sa diwa ko. He smiles at me.

"H-huh.. may naalala lang ako"

"Sus.." pabiro siyang umirap at bahagyang tumawa.

Nanlaki ako ng bigla niyang inilapit ang mukha sa mukha ko.
Pinanliitan niya ako ng mata at ngumisi.

"Hey Ms. Mendoza.." napalunok ako at nanigas sa kinauupuan ko. "Are you falling in love with me?" Ngumisi siya. "Hmm?" Nang aasar ang tono nito.

"H-huh? H-hindi ah. Bakit mo naman nasabi ang bagay na yan? D-diba sinabi ko na sayo... Hindi na ako maiinlove ulit" uutal utal na sabi ko dito.

Hinawakan niya ang baba ko upang mas makaharap ko siya.
Nag simulang bumilis ang tibok ng puso ko, parang mga kabayo na nag sisipag takbuhan sa loob nito.

K-kalma..

"Talaga? Bakit ka nauutal? Anong problema?" Kunyaring naguguluhang sabi niya pero tumawa siya.

Unconditional Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now