Chapter 40

48 2 0
                                    

THE INVITATION






Gaea's Pov

Since wala naman kaming pasok ay nandito ako sa labas at nag didilig ng halaman ni Mommy. Nasanay na rin kase akong nag didilig nito tuwing umaga.

"Psst!"

Nag palinga linga ako ng biglang may marinig na sumitsit sa may bandang gate. Nakabukas iyon dahil umaga naman kaso mukha namang walang tao.

Lumabas ako upang siguraduhin iyon pero biglang may humila sa kamay ko at tinakpan ang bibig ko.

Nanlaki ang mata ko at sinubukan kumawala.. ng makilala ko kung sino iyon medyo kumalma ako.

Si Yxei..

"Ano ba?!" Singhal ko ng bitiwan niya ako.

"Sorry I didn't mean to scare you"

"But you did." Iniripan ko ito.

Ngumiti siya saakin. "So you already know.."

"Know what?"

"Na.. mag kapatid tayo"

Sandali akong tumigil at nag isip. Kunot noo ko siyang nilingon na para bang wala akong naiintindihan sa sinasabi niya.

"Ano? Wala akong kapatid baliw ka ba?" I lied.

Matabang siyang natawa at seryoso akong tinignan. "Yesha told me, na alam muna. Nakita ka niya nung araw na nag kausap sila ng bestfriend mong baliw"

This time my forehead really creased when i heard the word 'baliw'. Sinong baliw? Si Aikee?! What the heck?

Dinuro ko si Yxei. "Don't you dare call my bestfriend like that Yxei! Dahil kahit nag lihim siya saakin mahal ko pa rin siya!"

"Don't point a finger on me Ms. Mendoza." Ngumisi siya.

Napasuklay ako sa buhok ko at inis siyang tinignan.

"Ano ba talaga ang pinunta mo dito ha?"

"Ikaw syempre sino pa ba.. bakit ba galit na galit ka nung una nga ang bait mo sa'kin hindi ba? Besides... Soon I'll be Yxei Mendoza too.. kase ikakasal na si Tito Henry kay Mommy or should i called Daddy "

"I don't care!" Singhal ko sa inis.

Pinag taasan niya ako ng kilay. Nang aasar. He stepped forward and I didn't bother to step back.

"Oh you don't care? Really.. hmm.." may iniabot siya saaking invitation card at sa unahan palang mababasa muna ang nakasulat doon.

Henry & Daisy's Wedding

That was my father's name and her mother's name.

Hindi ko kinaya. Umatras ako at umiling sakanya.

"That was fake."

"No it isn't"

"TELL ME THAT WASN'T REAL YXEI!"

Matalim ang tingin ko sakanya at namalayan ko na lamang ang sarili kong humahagulhol habang naka upo sa kalsada.

Hindi ko iyon matatanggap ni hindi ko nga matanggap na iniwan kami ni Daddy dahil may iba na siyang pamilya tapos iyan pa kayang ikakasal siya sa ibang babae? Hindi ko kakayanin na makitang muli si Mommy na masaktan. Ayoko.

"Hey!"

I heard a familiar voice from the other side. I saw Frioxx angrily looking at Yxei.

Unconditional Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now