Chapter 15

64 2 0
                                    

PLAN A, GONE WRONG






Gaea's Pov

"KYAAAHH! Bilisan niyoo!" Sigaw ko kina Dally at Aikee.

Nag text na kasi saakin si Sharlene na papunta na daw sila dito sa music room.

Ginamit namin itong lumang music room. Dito kami nag decorate at nag ayos ng surprise para kay Lexxiana, pakana ni Louie upang mag kabalikan silang dalawa.

Agad na nakatago ang dalawa habang si Duke naman ay tinutulungan ayusan si Louie sa likod ng stage.

Ako naman ay nag aabang kay Sharlene at tinatanaw kung nandoon na ba sila.

Nataranta ako ng makita ko si Sharlene na hawak hawak si Lexxy na may blindfold.

Agad akong umakyat sa stage upang i-inform si Louie na mag handa na. Sa hindi inaasahan ay biglang may malakas na tunog kaming narinig sa loob ng music room. Biglang nag brown out at narinig kupa ang pag tawag ni Louie saakin bago ako makaramdam ng bisig na yumakap sakin.

"Gaea sa taas!"

Biglang nahilo ako ng mabagsakan bigla ng medyo malaking kahoy sa ulo ko. Hindi ko maaninag kung sino ang sumalo saakin pero salamat sakanya ket papano.

"Gaeaaa!" Narinig ko ang sigawan nila bago ako mawalan ng malay.

~~

Pag kagising ko ay naka paligid saakin sina Aikee, Dally, Louie, Duke, Sharlene at Lexxiana.
Nakita ko naman sina Frioxx, Saxe at Steve sa isang tabi.

Base sa itsura ng kwartong ito ay mukhang nasa ospital ako. Medyo kumirot sa may bandang ulo ko kaya hindi ako makagalaw ng maayos.

"Ackk.." daing ko ng sumakit ito.

"Huwag ka kasing gumalaw!" Iritadong sigaw ni Frioxx na para bang inis na inis sa nakikita niya.

Bigla naman akong nainis at hindi mapigilang sigawan siya pabalik kahit nahihilo pa ako.

"Ano bang problema mo?! Masakit e, natural iindahin ko yung sakit! Doon ka sa labas para hindi mo ako makita!" Iniripan ko ito.

Matalim na titig ang binigay niya bago ako iniripan pabalik at lumabas ng kwarto.

"Oh, pag gising gising mo badtrip ka?" Natatawang sabi ni Sharlene.

"Kainis kasi yung Salvador na yon, sigawan daw ba ako"

"He's just worried.." sabi ni Louie kaya napa buntong hininga na lamang ako.

"Ano? Ano pa bang masakit sayo? Ano ba kasi ginagawa niyo sa sirang music room na yon!? Kay dami daming music room, kung gusto niyo akong kantahan pwede naman kahit saan eh! Bakit pa kasi doon!" Naiiyak na sabi ni Lexxiana na hindi ako magawang tignan.

She seemed to clue about what happened. Hindi pa ata sinasabi sakanya kung bakit nangyari ang bagay na iyon pero mabuti naman dahil nakakahiya nag fail yung plano namin.

"Ayus kana ba? Sorry kung malayo kami sayo.." sabi ni Aikee na mukhang guilty.

"Ano ka ba walang gusto sa nangyari.. teka diba may pasok tayo?" Tanong ko sakanila.

Napakamot ulo si Duke saka nag pilit ngiti. "Eh sabay sabay kaming lumabas ng campus, nakapag paalam naman si Saxe"

"Bakit? Dapat nag paiwan nalang yung iba"  sabi ko sa mga ito.

Unconditional Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now