Chapter 4

106 3 0
                                    

STREET FOODS



Gaea's Pov

"Gosh ang lakas ng ulan, Gaea. Tapos pupunta ka pa doon para lang bumili ng sundae and fries?" Iniripan ako ni Dally saka binuksan ang payong nito.

"Mauuna na kami ah, mag kita nalang tayo bukas" sabi ni Aikee saka sumunod kay Dally.

Napabuntong hininga ako saka tinignan ang oras sa wrist watch ko. Binuksan ko rin ang payong ko, I'm about to step forward when suddenly pull me back.

"Hey!" Reklamo ko. Nung makita ko naman kung sino iyon, si Frioxx.

"Pasabay" sabi nito saka tumabi sakin.

Wala na akong nagawa kundi sabayan nalang siya sa pag lakad sa ulan hanggang sa makarating kami sa parking lot.

"Pasilong muna sa kotse mo! May pag uusapan tayo about sa project!" Pasigaw na sabi niya dahil ang lakas ng ulan.

Nauna akong pumasok tapos naupo siya sa tabi ng drivers seat.

"Ano ba kasi yon?" Tanong ko habang nag sisimulang mag drive.

Padahan dahan lang kami dahil sa lakas ng ulan, abante at hinto ang kotse dahil sa mga taong nag lalakad at mga sasakyan na nakakasalubong.

"Saan tayo mag kikita bukas?" Tanong nito habang abala sa pag buklat ng libro.

I rolled my eyes and look at him.

"Leave it to me.." mahinang sabi ko.

"Ano?"

"Ako na bahala, psh."

"Tss!" Asik niya. "Hindi pwede partners nga tayo diba tapos gusto mong sulohin?"

Itinigil ko ang kotse sa harap ng Jollibee dahilan para matawa siya.

"Seriously? Para kang bata" sabi nito kaya tinignan ko siya ng masama.

"Bakit bata lang ba ang pwede diyan?! Psh."




Frioxx's Pov

Mga ilang minuto ko siyang hinintay bago muling pumasok sa kotse.

Tuwang tuwa pa siya habang nag di-drive, sinasawsaw niya ang fries sa sundae na para bang sarap na sarap siya.

"Tss."

"Bakit? Masarap kaya, want mo?" Inalok niya ako pero umiling nalang ako.

"Gumawa tayo ng project sa bahay ko" sabi ko dito dahilan para lingonin niya ako.

"Wow ha, may sariling bahay. But..no sa bahay nalang namin." Sabi nito saka muling kumuha ng fries.

"Tch, sa bahay ko nalang. Maiilang ako lalo pa't hindi ako sanay sa ibang bahay"

"Natural na yon kase hindi iyo, pero doon na samin. Tamad ako"

Napabuga ako ng hangin, grabe ang babaeng to ayaw talaga mag patalo.

"Okay ganto. Since we have four days to prepare we make it alternate." Sabi ko dito, bahagya naman siyang tumigil at halatang nag iisip.

"Okay. Una sa bahay namin" sabi nito, napatango naman ako sa sagot niya.

Ilang sandali pa ay tumigil na naman siya sa isang food restaurant kaya hinintay ko nalang at hinayaan bilhin kung ano man ang binibili niya.

Unconditional Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now