Chapter 27

48 3 0
                                    

UNEXPECTED CONFESSION








Gaea's Pov

Pag balik namin sa room napansin kong parang wala sa mood si Duke.

Kapansin pansin ang pag titig saakin ni Yesha at Abegail. Siguro dahil alam nilang pumunta ako kagabi sa casino.

Oh anong problema doon? Pwede naman nilang isipin na sinauli ko talaga yung card.

"Hoy saan ka pupunta?" Tanong ni Aikee ng papunta ako sa ibang direksyon.

Bigla namang may umakbay saakin at halatang si Frioxx yun.

"Mag lu-lunch kami..kami lang dalawa" sabi nito at ngumiti.

Umirap si Dally, napakamot ulo naman si Aikee.

"Ano ba yan?! Bakit parang inaangkin mo naman yung kaibigan namin, ni hindi na namin siya nakakasabay sa pag kain at pag uwi puro nalang ikaw, hmp" inis na sabi ni Dally habang kunot na kunot ang noo.

"S-sorry na Dal..promise sa susunod sainyo ako sasabay"

"Che, tara na" sabi ni Dally at hinila papalayo si Aikee.

Si Frioxx naman ay hinila na ako pababa ng hagdan.

Sa may bench kami naupo, meron namang malaking puno doon kaya nakakasilong kami, meron na din na mesa.

Binuksan ni Frioxx ang lunch box at inamoy iyon.

"Hmm..mukhang masarap ah" sabi nito at nag simulang kumuha ng kanin.

Ako naman ay nag simulang kumain na din habang hinihintay siya na sumubo at malaman ang opinyon niya sa luto ko.

"Ang sarap Gaea, magaling ka pala mag luto" sabi nito at ganadong kumain.

"Haha Thanks."

"Malungkot ka ba? Sorry kung sino-solo kita, sige sa lunes kina Dally at Aikee tayo sasabay" sabi nito.

Itinigil ko ang pag kain ko at tinignan siya.

"Pwede ba, huwag kang palagi mag salita na parang merong tayo sa tuwing naco-control mu'ko naiinis ako alam mo ba"

"Naco-control? Bakit? Ginagawa ko ba yon?"

"Oo. Nakalimutan muna ba... simula nung mag desisyon akong iwasan ang mga lalaki, ikaw lang ang palagi akong napapasunod..palagi akong sumasama sayo na hindi muna kailangan mag pagod sa pag pilit sakin"

"Ahh inlove ka sakin."

Hindi ko ito makapaniwalang tinignan.

"Kapal ng mukha mo. Paano ako maiinlove sayo, psh."

Tinignan niya ako at bahagyang natawa.

"I'm not controlling you okay? Ibig sabihin lang non unti unti ka ng nag kakaroon ng tiwala sakin, saamin na mga lalaki. Gaea, how many times do i have to tell you na hindi kami pare-pareho. Maybe sinaktan ka ng mga lalaking pumasok sa buhay mo noon pero hindi masamang mag tiwala ulit. Kahit kay Steve nga nag tiwala ka diba, pumayag ka sa deal ninyo."

"Kase kinukulit niya ako--"

"But in the other hand napilit ka pa rin niya, hindi mo natiis kase kaibigan na rin turing mo saamin." Sabi nito.

Unconditional Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now