Beleza
Nilagay ko sa mesa ang basket na naglalaman ng mga pinamili ko kanina sa public market. Naghugas ako ng kamay at naghilamos na rin bago puntahan ang aking anak sa aming kuwarto.
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto hanggang sa makita ko si Allerick na malayong nakatanaw sa bintana. Since we came here, he's acting like that. Kahit na hindi niya aminin, I know that he is sad. In fact, he only goes out seldomly.
"Baby? Hindi ka ba lalabas? Your playmates are already playing outside. Won't you join them?" Agad siyang napalingon sa akin at tumakbo sabay pakarga.
"I think... Uncle Vid is angry at me." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Isang linggo na rin kami rito sa probinsya pero ngayon lang niya muling binanggit ang pangalan ng ama niya.
"No, baby. Huwag na muna natin siyang alalahanin, okay?"
"Pero siya... ang papa ko." The sadness in his eyes breaks me. I hug him tight.
"Yes, baby. Pero, as I said, magulo pa ang sitwasyon natin ngayon. Let's just take some break to think about it, okay? Kung maayos na ang lahat, kakausapin natin siya. Magsasama naman kayo ng papa mo."
"Thanks po, mama."
Sa mga nagdaang araw, napagtanto ko rin ang naging kamalian ko. I was driven by my emotions back then. I only considered my perspective that time, not realizing how hurt Sir Buendavid might be as well.
He had no idea. He didn't know that he had a son. He didn't know that I was breaking, and he's the reason of it. Kaya naman, napagdesisyunan kong ibigay din sa kanya ang karapatan na deserve niya. He can be a father to Allerick. 'Yan lang naman ang concern niya.
"Naku, kung ako sa'yo, Bel, pagbigyan mo ng chance ang ama ni Allerick, tsaka mo husgahan ang kanyang intensiyon. Ikaw na ang may sabi, hindi niya alam ang nangyari. At diba, gusto niya namang bumawi?"
"At isipin mo naman ang parte ni Allerick. Matagal na niyang gustong makilala ang ama niya, at hinahadlangan mo 'to. Base sa sinabi mo sa amin, nakikita ko rin ang kamalian mo. Nagpadala ka sa iyong emosyon. Ama rin ako, anak, kaya alam kung nasasaktan din si, Buendavid."
Those are the exact words from mama and papa when I told them about Buendavid. Thanks to them, naliwanagan ako. Masyado lang akong naguluhan. Maybe I should calm my confusion first before facing Sir Buendavid.
"Nagugutom ako, mama," ang bulong ni Allerick ang nagpabalik ng diwa ko. Napangiti ako at pinisil siya sa pisngi.
"Napapansin ko talaga, baby, ang takaw mo na. Baka tumaba ka nang sobra." Napatawa ako nang sumimangot siya.
"Mas masarap kasi ang luto ni Mamalola kaysa sa'yo." Ay lintik! Masyado namang honest ang batang 'to. Minsan ang sarap ihagis sa bintana. Natawa na lang ako nang alanganin.
"Busy kasi si mama noong nagtatrabaho pa siya kaya hindi ko nasasarapan ang pag-luto. Don't worry, ipapatikim ko sa'yo ang specialty ko. Ako ang magluluto ngayong tanghalian." Napangiti naman ako nang mag-ningning ang mga mata ni Allerick. Bata pa talaga siya, madali pang mabola.
...
I am humming while seriously frying chicken meat. Tulad ng pangako ko kanina kay Allerick, ako nga ang nag-luto ng ulam. Actually, tapos na rin akong magluto ng ginisang sitaw, at nakapag-saing na rin ako.
Napangiwi ako nang maalala ko kanina ang sinabi ni Allerick na hindi raw masarap ang luto ko. Kaya naman, para mapa-bilib ko ang aking anak, nag-search pa ako ng recipes online. It's a good thing that our province has already a stable internet connection. The last time I visited here, pahirapan pa ang signal.
BINABASA MO ANG
Bitter Sweet and Strange
RomanceCrazy Rich Circle II : Bitter Sweet and Strange "Even birds with broken wings still find a way to sing." Beleza Quirino, a woman weighed down by life's disappointments, never imagined she'd end up as the personal assistant to the infamous "beast bos...
