Chapter 34

1.2K 49 17
                                        

Beleza

Kahit alam ko na ang nilalaman ng envelope na nasa aking harapan ay minabuti ko pa ring buksan ito. Pinadala ito ng pinsan ni Buendavid na si Dr. Avreix Montefuerte kanina lang. Dr. Avreix is also the brother of Jaxon, something I find interesting because of how opposite they are.

I slowly open it with a shaking hand. I read the result of the Maternal DNA Test, and as expected, the result is negative. I am not the biological mother of Allerick.

Kahit na alam ko na ito, masakit pa rin sa pakiramdam. Hanggang ngayon ay hindi pa rin namin sinasabi sa iba ang tungkol dito. Only I, Buendavid, Henrick, and Dr. Avreix know this. Pati rin pala si Dr. Lao, kung iisipin.

About Dr. Lao, he's still missing. Hindi pa siya mahagilap. Saan kaya siya nagtatago ngayon?

"Mama, tapos na po akong maghugas ng kamay."

Napalingon ako kay Allerick nang magsalita ito. Napatitig ako sa kanya. Ang kanyang pagiging cute ay natatabunan na ng dominant features ng Villasuarez, kaya halata na ang pagiging gwapo niya. At ang kanyang mga mata... malaki ang pagkakahawig nito sa mga mata ni Stella.

"Mama? Why are you crying po?"

"Ha?" Hindi ko namalayan na napatulo na pala ang luha ko. Bakit ba ang ang emotional ko pa rin masyado kahit isang linggo na ang nagdaan simula noong malaman namin ang katotohanan?

"I'm just happy that you're growing fine, baby. Lumalaki na ang baby ni mama." Nilapitan ko na siya at inayos ang kanyang polo.

"Pupuntahan na ba natin si papa?"

"Yes, baby. Let's go."

...

Kinarga ko na si Allerick papasok ng VS Building. He's already getting heavier, pansin ko.

"Mama, bakit po napapatingin sila sa atin?" tanong niya nang mapansin ang tingin ng mga empleyado.

Siguro karamihan naman sa kanila ay alam na ang relasyon namin ni Buendavid dahil ilang beses na rin kaming naging PDA sa loob ng building. Nakapagtataka pa nga dahil hanggang ngayon ay wala pa ring balita tungkol sa amin, which is mas mainam naman.

"Dahil napakacute at gwapo ng baby na karga ko ngayon," sagot ko.

Hindi ko na lang pinansin ang mga tingin nila at pumasok na sa elevator. Magsasara na sana ito nang may biglang pumasok.

"Good day, Ms. Quirino," nakangiting bati sa akin ni Ma'am Arkanson.

"G-good morning, ma'am." I instantly feel the awkward atmosphere. This is the first time that we become this close after I and Buendavid live together.

"I'm beyond grateful seeing the both of you, you and Buendavid, together like a married couple. Kumusta ka na pala?"

"I'm fine, Ma'am Arkanson."

"Oh, drop the formality, I'm no longer your superior." But, out of respect, I can't stop from calling her ma'am. She's the main reason why I was able to stay in VS. Even until now, she is the savior that I will be forever grateful for.

"Who are you po?" Ang tanong ni Allerick ang bumasag sa awkward na atmosphere.

"What a cute child! Hello there! I'm Jennifer Arkanson. I work for your father."

"So, are you also industrious and busy?"

"I am, indeed." Hindi napigilan ni Ma'am Arkanson na pisilin ang pisngi ni Allerick. "Why? Is your father that busy?"

"Opo. Pero, he said that he's doing that for us. I understand naman po."

"Napakabait na bata!" Napatingin siya sa akin. "Ms. Quirino, pagsabihan mo pa rin si Buendavid na hindi magandang nararamdaman ng bata ang kawalan niya ng oras."

Bitter Sweet and StrangeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon