Chapter 15

810 32 2
                                        

Beleza

Literal akong napanganga.

"W-what? 1,050 d-dollars?" wala sa sarili kong tanong kay Sir Buendavid. We're about to go home, but a staff suddenly came in with our hospital bill.

"Yes. 350$ VIP fee, 200$ hospital fee, and 500$ specialist fee. If you convert it to pesos, it'll be 44, 100."

"P-pero, s-sir. Saan ako kukuha ng pambayad? At tsaka, bakit napakamahal? Kakapalan ko na po ang mukha ko, akala ko po kasi ikaw ang magbabayad since ikaw ang nagdala sa amin dito."

"This is Miracle Healer Hospital, one of the most visited asian hospitals by VVIP. At teka nga, ako pa talaga ang may kasalanan? Like seriously? Ako na ang nagmagandang-loob na ihatid kayo rito." Napakagat-labi ako. Binigyan ko siya ng alanganing ngiti.

"Uhm, sir. Ano kasi, may savings naman po ako, pero hindi ganon kalaki. At kakatapos ko rin lang po magbayad sa mga bayarin. Baka naman po pwedeng makahiram naman sa'yo ng pandagdag."

Napaarko ang kanyang kilay.

"You have resigned, right? May pera ka pa namang makukuha mula sa kompanya dahil sa naging serbisyo mo, pero aabotin ng isang linggo ang proseso nito. I lend money base on paying capacity of my debtor, and in your case, that would be difficult considering that you don't have a job anymore."

Napakamot ako sa aking noo. Napaisip naman ako kung saan ako maaaring makahiram ng pera. Kung alam ko lang na ganito pala kalaki ang babayaran ko ay sana sa ibang hospital na lang ako nagpahatid.

May laman pa naman ang bank account ko dahil sinuwelduhan niya pa lang ako ng aking kinsenas, pero kung babayaran ko ngayon ito ng buo, sigurado akong magugutom kami ng aking anak.

"I have a suggestion, Ms. Quirino. What if, magtrabaho ka ulit sa akin bilang personal assistant ko? I'll lend you money right away, since assured naman ako na may sahod kang matatanggap at the end of the month."

Bigla akong napatingin sa kanya. Tinapunan ko siya ng masamang tingin kaya bahagya siyang napaatras. Tama nga ang aking kutob. Ito talaga ang balak niyang mangyari. Wala siyang balak na tigilan ako. Napabuntong-hininga ako at agad na nilapitan si Allerick. Marahan ko siyang kinarga at naglakad na palabas ng kwarto.

"Uuwi na po ba tayo, mama?"

"Yes, baby."

Nilagpasan ko sir nang hindi man lang pinapansin.

"Hey, where are you going? How about my suggestion? Are you good with it?"

Napatigil ako at hinarap siya. Ibinaba ko muna saglit si Allerick at mabilisang hinubad ang kanyang coat.

"Thank you, but no thanks," seryoso kong sambit at tinalikuran na siya habang karga ulit si Allerick.

Napatulala siya at mukhang hindi niya inaasahan ang naging pahayag ko. What was he thinking anyway? Na madadala niya ako sa ganito? Na babalik ako sa pagtatrabaho sa kanya?

No way.

This is wrong in all angles. Kaya hindi ko na ipagsisiksikan ang sarili ko sa kanyang mundo. I want this event to be our parting moment. Gusto kong tapusin na ito lahat ngayon mismo.

Pumasok na ako sa elevator at nang mapatingin ako sa kanyang gawi ay nakita kong nakayuko na siya ngayon. Ang isa niyang kamay ay nakahawak sa coat at ang kabila naman ay nakapamulsa.

"Iiwan lang po ba natin si Uncle Vid?" tanong sa akin ni Allerick nang sumara na ang elevator. Akala niya siguro susunod sa amin si Sir Buendavid.

"Yes, baby. Iiwan na natin siya."

Bitter Sweet and StrangeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon