"So, are you saying that I made this far by chance and not by choice?" intersedong tanong ng binata sa kanyang kinakapanayam.
Sa hindi mabilang na pagkakataon, muli na naman siyang naghahanap ng panibagong sekretarya.
"Yes, sir. By chance, because you were born rich already. You can be born in a normal family, but no, lumaki po kayong namamayagpag na ang kompanyang ito. Kaya nang dumating ka na sa tamang edad ay sa'yo naman ito ipinamahala. If not by destiny's chance, what could it be?"
"And why not by choice? Don't you think that this is my choice also, to become what I am today?"
"Yes, you chose this, because you're already given the chance to choose it. So, it's still more on chances."
"'More' on chances, so it means not solely because of it. There's still the power of choice."
Napakagat-labi ang kaharap ng binata. Hindi niya inaasahang matalas ang binata pagdating sa ganito.
"Yes, sir. Chances and choices always correlate with each other."
"Exactly. And today, you will experience a perfect depiction of inversely proportional correlation of those two."
"What do you mean, sir?" takang tanong ng dalaga sa binatang CEO.
"Ms. Avante, you graduated with flying colors from a nice state university. You have satisfactory work experiences. You also have credentials and so forth. On point, you have a great chance of becoming my secretary, but my choice is not to choose you."
Napatulala ang dalaga sa pahayag na binitawan ng binata. Napaamang ang kanyang bibig. Akala niya ay matatanggap na siya dahil naging maayos ang naging panayam nila. At confident siya sa kanyang sarili na siya ang makukuhang secretary.
Ngunit nakapagdesiyon na ang CEO, at hindi na ito mababago pa.
"You have to leave now," istriktong utos ng binata kaya nagmamadaling lumabas ang dalagang aplikante.
Napasandal ang binatang CEO sa kanyang swivel chair at napahilot sa kanyang sentido. Isang taon at tatlong buwan pa lang siya sa puwesto pero halos aabot na sa isang-daan ang kanyang sinisanting sekretarya. Ang iba naman ay kusang nag-resign dahil hindi nakayanan ang kanyang pag-uugali.
"That's enough for today. We will just continue the interview tomorrow," pagbigkas niya sa intercom.
Tumayo na siya at inayos ang kanyang postura bago tuluyang lumabas ng opisina. Simula nang maging CEO siya, pinalipat niya sa Pilipinas ang executive office ng kompanya. Kaya naman ay karamihan ng business meeting at decision-making ng kompanya ay dito na ginaganap sa bansa.
Lahat ng empleyadong nadadaanan niya ay napapasinghap at umaakto agad na may ginagawa. Kilala na nila ang kanilang boss. Wala itong sinasanto at may pinalidad ito kung magdesisyon. Napaka-istrikto rin nito. Gusto niya lahat ay pulido at organisado. Kahit siguro alikabok na pagkakamali ay kaya nitong makita sa malayuan.
He is Buendavid Montefuerte Villasuarez IV.
The current Chief-Executive-Officer of VS IntelTech Industries, a giant conglomerate with a market capitalization of approximately 1.2 Trillion US dollars.
Nobody messes with him, because he is considered as the beast boss.
BINABASA MO ANG
Bitter Sweet and Strange
RomanceCrazy Rich Circle II : Bitter Sweet and Strange "Even birds with broken wings still find a way to sing." Beleza Quirino, a woman weighed down by life's disappointments, never imagined she'd end up as the personal assistant to the infamous "beast bos...
