Beleza
Agad akong bumalik sa opisina pagkatapos kong mananghalian. Si Sir Buendavid naman ay kumain mag-isa sa isang mamahaling restaurant.
Napabuntong-hininga ako. Isang linggo na ang nakalipas mula nang magtrabaho ako sa kanya. Maayos naman ang naging takbo nito, ngunit parang naging mas malamig ang pakikitungo niya sa akin simula noong Martes.
Nasanay na rin kasi ako sa pagiging mapagbiro niya sa akin. Madalas siyang magpahayag ng mga salitang may double meaning. Hindi niya ako tinitigilan sa panunukso niya, pero sinisiguro ko pa ring maging professional at pormal sa lahat ng pagkakataon.
But suddenly, he's been giving me cold shoulders. He avoids my stares and rarely speaks to me. Kahapon nga ay hindi niya ininom ang kapeng tinimpla ko para sa kanya.
Pero wala naman ako sa lugar para panghimasukan pa ang personal niyang buhay. I'm no longer a child, I can already adjust to all changes along the way. And besides, I'm here to work, and work alone, no unnecessary sidelines.
"I'm sorry, ma'am. Sir Buendavid has no appointment with you. So, you can't just enter his office like that. If you have personal meeting with him, you can call him through his personal number and let him instruct us of what to do."
"Are you a freak? For real? Kilala mo ba ako?"
Nagtaka naman ako nang makitang mukhang may kasagutan si Secretary Alexa. Nakatalikod ang babae sa akin kaya hindi ko makita ang kanyang mukha.
Nang makita ako ni Secretary Alexa ay biglang umaliwalas ang kanyang mukha. Napalingon naman sa akin ang kausap niya at literal na napatigil ako.
Agatha Smith. Ano ang ginagawa niya rito?
"Oh! There she is. Ms. Quirino, did Sir Buendavid infom you about his personal meeting with Ms. Agatha Smith?"
Napakagat-labi ako nang pasadahan ako ng tingin ni Agatha. Base sa kanyang reaksiyon ay mukhang namumukhaan na niya ako.
"Wait. Pamilyar ka sa akin. Hmmmm. Saan nga ba kita nakita? Are you an acquintance, perhaps? Or a friend of a friend of mine?"
"I'm sorry, ma'am. But Sir Buendavid hasn't updated his appointments for today. So, it's the same to his usual schedule."
"And you are his?"
"I'm his personal assistant. Now, if you excuse me, I still have a lot of things to do."
Akmang aalis na sana ako nang habluting niya ang aking braso at ipinaharap ako sa kanya.
"You're Beleza Quirino, right? Now I remember you! Diba ikaw yung batchmate ko na tumigil sa pag-aaral? Wow! Fancy meeting you here. Such a small world, isn't it?"
Tinignan ko lang siya nang blanko.
"I didn't hear anything about you since then. An- -"
"I have no personal obligation to talk with you about such thing, ma'am," magalang kong sambit at inalis na ang pagkakahawak niya sa aking braso. "Excuse me, Ms. Agatha."
"You heard Ms. Quirino. Now, you can silently leave this place, ma'am," mungkahe sa kanya ni Secretary Alexa.
Hindi ko na narinig pa ang sunod nilang pag-uusap dahil tuluyan na akong nakapasok sa opisina. Napasandal ako sa pintuan at napahinga ng malalim. Nanghina ako bigla.
Hindi naman ito tungkol sa pagbisita ni Agatha, kundi sa kung paano niya banggitin ang pangalan ko kanina na puno ng pangmamaliit. At kahit alam ko nang talunan ako, masakit pa rin kung ipinapamukha ito sa akin.
BINABASA MO ANG
Bitter Sweet and Strange
RomansaCrazy Rich Circle II : Bitter Sweet and Strange "Even birds with broken wings still find a way to sing." Beleza Quirino, a woman weighed down by life's disappointments, never imagined she'd end up as the personal assistant to the infamous "beast bos...
