(Flashback to what really happened several years ago.)
Third Person
The loud music invaded everyone's ears. The beat made their vein pulse. And the lights, no matter how blinding, added color to their vibrant feeling of joy and excitement.
That's for everyone, except fo the shy girl who decided to stay at the counter, Beleza Quirino.
Pinilit lang siya ng mga kaklase niya na mag-unwind after the hell week. Hindi niya naman aakalaing sa bar pala sila pupunta. Ganon pa man ay hindi siya nagpahalatang unang beses niyang makatapak ng bar.
Masquerade ang theme ng bar kaya lahat ay nakasuot ng uniform mask na binibigay ng staff bago pumasok ng bar. Lahat ng lalaki ay nakasuot ng formal attire at ang mga kababaihan naman ay naka-suot ng pulang bistida. Espesyal ang gabing iyon dahil opening ng bar kaya naman lahat ay required na sumunod sa theme. Marami pa rin ang dumalo dahil free drinks ang offer ng bar.
Dahil na rin sa usok ay nahirapang makahinga si Beleza, kaya naman ay ibinaba niya ang maskara sa counter. Dahil sa ginawa ay nakuha niya ang atensiyon ng lalaki sa kabilang dulo, si Henrick Melendez.
Hindi na ito nagdalawang isip at pinuntahan ang barrista. Nag-order siya ng drink at pasimpleng nilagyan ng pill. Inutusan niya ang barrista na ibigay ito kay Beleza.
Para naman hindi masabihang KJ siya ay ininom ni Beleza ang inuming ibinigay sa kanya. Wala siyang ideya na nilagyan ito ng pill. Unang tikim pa lang ay agad na tumalab sa kanya ang pinaghalong druga at inumin. Para siyang matutumba dahil sa pagkahilo.
"Drinking too much?" tanong ng lalaking biglang sumulpot, si Buendavid.
Dahil nahihilo na si Beleza ay napatawa na lang siya at napakapit kay Buendavid, na ngayon ay nahihilo na rin dahil sa alak at libido-enhancement pill na inilagay ng tropa niya sa ininom niya kanina.
Young people with silly pranks.
Nang napatingin siya sa kabuoan ni Beleza ay namangha siya agad sa angkin nitong ganda. Makinis ang kutis nito at hapit ang bistida. Bigla siyang nakaramdam ng kakaibang init sa katawan. Kaya naman ay hinila na niya si Beleza papunta sa private room.
Si Beleza ay hilong-hilo na upang tumanggi. Hinayaan na lang siyang dalhin ni Bunedavid kung saan. Pero bago pa man nila marating ang private room ay biglang naduwal si Buendavid. Pumasok siya sa restroom at iniwan si Beleza sa labas.
Agad namang sumulpot si Henrick na kanina pa minamanmanan ang dalawa.
"Wait here, babe. You will love the guy who'll come out of this door later," bulong ni Henrick sa kasama nitong babae.
Napahagikgik naman ang babae at masayang naghintay kung sino ang lalabas na lalaki. Samantalang si Henrick naman ay inaalalayan na si Beleza papasok sa private room.
Paglabas ni Buendavid ay nagtaka siya nang makitang may suot nang maskara ang babaeng kausap niya kanina. Pero dahil sa init na gusto niyang maapula ay hinila na niya ito papasok sa isa pang kwarto.
Nang gabing iyon ay nangyari ang lahat.
Eksaktong alas tres ng madaling araw ay nagising si Buendavid sa madilim na silid. Napamura siya nang makita ang kasalukuyang estado ng kanyang sarili. He's only wearing a boxer and there's a woman beneath the thick blanket near him. Tumayo siya agad at inayos ang sarili. Hindi na siya nag-abalang tignan ang babae sa ilalim ng kumot. Ilang beses na niyang pinatay ang mga kaibigan niya sa kanyang isipan nang mapagtanto ang ginawa nila sa kanya.
Just like that, he left the room like nothing happened.
Kabaliktaran iyon sa nangyari nang magising si Henrick. Umaga na at kung wala lang siyang appointment ay hindi pa sana siya babangon.
BINABASA MO ANG
Bitter Sweet and Strange
RomansaCrazy Rich Circle II : Bitter Sweet and Strange "Even birds with broken wings still find a way to sing." Beleza Quirino, a woman weighed down by life's disappointments, never imagined she'd end up as the personal assistant to the infamous "beast bos...
