Chapter 7

909 46 5
                                        

Beleza

I usually go to my desk first when I arrive at work. I would review Ma'am Arkanson's appointments, and prepare necessary reports and documents.

But today is definitely different.

Marahan kong inilipag ang espresso sa mesa ni Sir Buendavid. Napatingin ako sa digital watch ng silid at napabuntong-hininga nang makitang 7:57 am pa lang. Ngayong araw na ang official starting day ko bilang personal assistant ni Sir Buendavid. Hapon na kasi kahapon nang matapos i-set ang aking workspace na sa loob din mismo ng opisina niya.

I'm already aware that he is a strict person, but I didn't expect him to be extremely critical and precise like this. He wants everything to be perfect in accordance with his standards.

Agad akong bumalik sa aking swivel chair. Dahil nilukob ako ng katahimikan, minabuti kong tignan na lang muna ang paligid.

Mas malaki pa ito sa kabuoan ng aking inuupahang apartment. Napakaayos at sopistikado ng lugar. Metallic silver, black, gray, white, ay ang mga lamang na kulay.  Kapansin-pansin din ang bahid ng modern techonolgy na produkto mismo ng kompanya.

Sa kanan ay nakalugay ang makapal na kurtina ng floor-to-ceiling tinted glass wall. Kung bubuksan ito ay makikita mula rito ang malawak na bahagi ng siyudad. Sa kaliwang bahagi ay nakakabit ang napakalawak na flat screen monitor. Sa ceiling naman ay nakabitay ang magarang chandelier.

May mga abstract painting na nakasabit sa pader, at iilang halaman ang naroroon sa mga sulok. Sa gitna ay naroron ang C-shape na desk ni Sir Buendavid. Sa likuran naman nito ay isang malaking bookshelf.

Ang aking desk naman ay malapit sa bukana ng opisina, pero paharap ng sa kanya. Sa aking kaliwa ay ang receiving area. At ang comfort room ay nasa dulo.

Napatayo ako agad nang biglang bumukas ang double door. Pumasok si Sir Buendavid at mabilis niyang nilipad ang distansiya papunta sa kanyang desk.

"Good morning, sir," marahan kong usal pero napa-upo rin ako agad nang hindi niya ako pansinin. Dinukot niya lang ang kanyang cellphone at sumipsip ng kape.

Hindi ko nilumbayan ng titig ang pangyayari. Nag-aabang ako sa magiging reaksiyon o komento niya sa kape. Bakit ba ganito na lang ako kabahan dahil lang sa simpleng bagay? Maybe it's because he is the one and only, Buendavid Villasuarez IV, our current CEO.

And with a net worth of 26.3 Billion dollars, he's one of the richest bachelors on earth.

"Yes. Try to configure Etags. Reduce Cookie size. And split components accross domains," istrikto niyang pahayag sa kausap niya sa telepono.

Agad niya ring pinatay ang tawag. Napasinghap naman ako nang tapunan niya ako bigla ng tingin. Dahil sa pagkagulat ay wala sa sarili akong napaayos ng kung anong gamit sa aking desk.

"Why would you instantly look away after eyeing me like a prey?"

Napakagat-labi ako. Marahan akong napatingala at napangiti sa kanya nang bahagya.

"I... was just curious about the... coffee."

"Well, if you want to know, it's good. Typical, usual, espresso. You know, I drink this everyday."

Napatango na lang ako dahil sa kanyang komento. I think it's not a good thing that our desks are facing each other and just few meters away. We can clearly see what we're doing from our position. But, since he's the one who decided this, I can't do anything but to comply.

"Anyway, bakit hindi ka na rin kumuha ng sa'yo? You can also use the resources of my office."

"Tapos na po akong mag-breakfast, sir. And besides, I'm not fond of coffee."

Bitter Sweet and StrangeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon