Beleza
Agad akong lumabas ng elevator at tinahak na ang daan patungo sa office ng Finance Department.
Walong buwan na akong nagtatrabaho rito sa executive building ng VS IntelTech Industries. I can't help but to remember the first time I set my foot in this huge building. It was during my interview with the CEO, but it didn't turn out well. Nevertheless, that day was one of my luckiest days also.
"Good morning, Ma'am Arkanson," I greeted the woman sitting in the middle of the office.
"You're early, Beleza."
Nginitian ko lang siya at agad na umupo na sa aking desk na nasa bukana ng office.
That's Ma'am Jennifer L. Arkanson, the Chief-Financial-Officer, and my life savior. Noong halos mawalan na ako ng pag-asa dahil sa naging interview ko rito, nagtagpo ang aming landas sa entrance ng building. Nahulog kasi ang aking wallet at siya ang nakapulot.
We had a short conversation, and after knowing my situation, she offered me to work in her department. That moment, I still have no idea that she is the CFO of the company.
I started from the lowest position at the Audit Team. But as time goes by, with enough dedication to what I do, Ma'am Arkanson selected me to be her new secretary. Sa totoo nga ay sa susunod na linggo ay mag-iisang buwan na ako bilang sekretarya niya.
VS IntelTech is an international company, that's why the salaries of their employees are quite higher than the normal grades. Napakaswerte ko dahil sa kabila ng pagiging undergrad lang ay naging executive secretary ako agad.
In fact, using my own savings, I am currently back on my academic endeavour. Gusto ko pa ring maka-graduate sa tulong ng aking sariling pagsisikap. Mahirap ipagsabay ang pag-aaral at trabaho, but I know that all of these will be worth it. Becoming a CPA Lawyer is my greatest dream in life. But because of unexpected events, hindi ko ito agad nakamit.
But I'm just 25 years old, and I still have time to pursue that dream. It's better late than never.
"Beleza, can you deliver these documents to the COO office? Mr. Ayala needs to sign these."
Bumalik ako sa reyalidad dahil kay Ma'am Arkanson. Tumayo na ako at kinuha na ang folder sa ibabaw ng kanyang table. Agad din akong nagpaalam at tinahak na ang daan papunta sa pakay ko.
Agad akong pumasok nang bumukas na ang elevator at pinindot ko ang 14th floor. Hindi ko maiwasang makinig sa pag-uusap ng dalawang emplyedong nasa aking tabi. Tumitili pa sila nang pasekreto. Ano'ng meron? Napatingin-tingin ako nang bahagya sa paligid at biglang napako ang aking tingin sa lalaking nakasandal ngayon sa gilid ng elevator. Salubong ang kanyang kilay at may kausap sa telepono.
He is none other than, Buendavid Villasuarez IV, our CEO.
Agad ko siyang nilumbayan ng tingin at humarap nang diritso.
What is he doing here?
May nakalaan kasing elevator para sa mga executives at directors. At si Sir Buendavid ang tipo ng tao na hindi kailan man sasakay sa elevator na nakalaan para sa mga normal na empleyado na tulad namin, lalo pa't may nakasakay na rito.
He is a strict person. And base on personal experience, he has a rude attitude too. Napaismid ako nang maalala ko na naman ang naging interview ko noon walong buwan na ang nakalipas. Luckily, iyon din ang huli naming tagpo. Kahit sa kompanya niya ako nagtatrabaho ay napakalimitado ko lang siyang makita o makasalubong, lalo pa't hindi naman kataasan ang aking posisyon sa Audit Team noon.
At simula nang maging secretary ako ni Ma'am Arkanson, ngayon ko pa lang siya nakita rito. Base on what I heard, he was busy at the main building of VS Aeronautics in California.
Tumigil ang elevator at lumabas na ang dalawang empleyado, leaving only Sir Buendavid and me.
"Yeah. Pagsabihan mo ang Technical Team na ayusin agad ang executive elevator or else I'll fire them all. I just arrived here at ito na agad ang bubungad sa akin."
Napalunok ako sa kung paano niya pagsalitaan ang kanyang kausap. He truly is, Buendavid Villasuarez IV, self-centered and heartless.
Hindi ko maiwasang maging balisa dahil sa kanyang presensiya. Pakiramdam ko ay napakataas masyado ng 14th floor. Hindi ko nilumbayan ng titig ang floor indicator. At nang tumigil na kami sa 14th floor ay parang kidlat akong lumabas mula sa elevator. Napatigil pa ako at napahawak sa aking dibdib dahil sa kaba.
Grabe pala talaga ang presensiya ng lalaking iyon. Kaya pala ay kinakatakutan siya ng mga emplyedo.
"Are you perhaps the new statue of this floor?"
Napalundag ako sa boses na nanggaling sa aking likuran. Lumingon ako nang dahan-dahan upang makita kung sino ang nagsalita.
"Waaah!" hindi ko maiwasang mapasigaw at mapalayo ng ilang metro nang makita kong prenteng nakatayo si Sir Buendavid sa aking likuran. Hindi ko alam na lumabas din pala siya ng elevator, kaya hindi ko rin inaasahang mahaharangan ko siya sa kanyang daraanan.
"Tsk. Freak." He just rolled his eyes and walked passed me.
Napakagat-labi ako at pasekretong napadaing. Bakit ko ba nagawa iyon? Nagmukha tuloy akong baliw! Napatikhim ako. Agad kong inayos ang aking tindig bago tuluyang pumunta sa COO office. Agad din akong pinapasok ng sekretarya ni Sir Brandon Ayala nang malaman ang aking pakay. Marahan akong pumasok at agad na bumungad sa akin ang magarang opisina.
"Ms. Quirino, you're here at last. Jennifer already informed me about your business here. Take a seat."
Hindi na ako umupo pa at agad na inabot sa kanya ang folder na agad niya namang tinanggap at in-scan. We've met already in several business occasions. Kaya naman ay medyo casual na kaming mag-usap.
Despite being a young bachelor, Sir Bradon Ayala already become the Chief-Operating-Officer of the company. And surprisingly enough, he's quite good in terms social relations. Marunong siyang makisama, he's friendly, and he's playful too.
Bumukas ang pinto ng opisina kaya sabay kaming napalingon dito. Laking gulat ko nang mukha na naman ni Sir Buendavid ang sumalubong sa akin. Nang dumako sa akin ang kanyang tingin ay pinasadahan niya ako ng titig mula ulo hanggang paa. Pagkatapos ay napa-smirk siya at umupo sa couch na nasa receiving area ng opisina.
"Who is she? What is she doing here?" tanong niya kay Sir Brandon matapos niyang putulin ang pagtitig sa akin. Bigla akong na-conscious kaya marahan akong napa-upo sa cushion chair na nasa harap ng desk ni Sir Brandon.
"Oh? She's the new secretary of Jennifer... Ms. Beleza Quirino."
"I see. Kaya pala ay hindi siya pamilyar."
Wala siyang ideya na hindi ito ang una naming pagkikita. Minsan na niya akong in-interview, pero dahil hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin noon, ay malamang hindi niya ako mamukhaan. And besides, he is Beundavid, he's always tied to random famous women. And someone like me isn't worth remembering anyway. Alikabok lang ako sa malaki niyang mundo.
"Here, Ms. Quirino. It's all done."
"Thanks god!" wala sa sarili kong sambit at agad na inabot ang folder. Napangiti na lang ako nang alanganin nang napaarko ang kilay ni Sir Brandon. "I mean, thank you for signing these immediately." Napatango na lang siya sa akin.
I can't stay here any longer, not with Sir Buendavid eyeing me like I'm some kind of meat. Agad akong nagpaalam at mabilis na tinawid ang distansiya palabas. Pero nang bubuksan ko na sana ang pintuan ay tinawag ni Sir Buendavid ang aking pangalan.
And because he's also my boss, and I consider professionalism, I still look back at him, though reluctantly.
"We will be meeting again, Ms. Statue of Liberty."
BINABASA MO ANG
Bitter Sweet and Strange
RomanceCrazy Rich Circle II : Bitter Sweet and Strange "Even birds with broken wings still find a way to sing." Beleza Quirino, a woman weighed down by life's disappointments, never imagined she'd end up as the personal assistant to the infamous "beast bos...
